"Ada!" Katok ako nqng katok sa unit niya pero ayaw niya kong papasukin. Kasama ko ngayon si Seven at pinapakalma ako. Hindi ako galit kay Ada gusto ko pa nga siyang damayan, e.
"Umalis kana, Thalia. Hindi kita kayang kausapin!" Sigaw ni Ada.
"I'm always here for you, Ada. Hindi kita iiwan. Hindi kita huhusgahan. I'm your friend, you can always talk to me" I told her.
"Just leave me alone, Thalia. I need some space" Hinila na ako ni Seven doon.
"Tama siya. Just give her more time" Seven caressed my cheeks. "Bumalik tayo bukas" Tumango ako.
"Ada, you can talk to me anytime. Tawagan mo 'ko kapag kailangan mo na 'ko" Sigaw ko kay Ada saka kami lumabas ni Seven.
Umuwi kami ni Seven saka naman siya umalis dahil may pupuntahan pa raw siya. Lumipas ang mga araw at hindi pa rin ako kinakausap ni Ada at si Seven naman ay mas naging busy. Mag practice siya sa umaga at sa hapon naman ay lagi siyang may ginagawa at may kausap sa laptop niya parang meeting ata. Hindi ko alam.
Napansin ko kay Seven na simula nang lumipat ako sakanya mas naging busy siya 'di katulad ng dati. He has a lot of works to do. Guilting guilty tuloy ako kasi feeling ko ginagawa niya 'yon dahil kailangan niya akong akuin.
Galit ako sa pamilya ko dahil hindi manlang nila ko kinakamusta. Ate Autumn wants to talk to me pero humindi ako dahil alam ko na ang sasabihin niya. Ineexpect ko na 'yon dahil kaugali ni Dad ang isang 'yon.
Habang nagpapakain ako ng mga pusa ay tinext ako ni Ada na pumunta sa condo niya kaya dali dali naman akong umalis. Nag lakad nalang ako papuntang condo niya dahil malapit lang naman.
"Thalia" Agad akong niyakap ni Ada at umiyak siya nang makarating ako sa condo niya. Sobrang dumi dito. Nag-kalat 'yung mga chips at bote ng beer sa paligid.
"Okay lang 'yan, naiintindihan kita" Hinagod ko ang likod niya. "Diba sabi ko naman sa'yo, hindi kita huhusgahan. Okay lang 'yan"
Hinayaan ko lang na umiyak nang umiyak sa'kin si Ada. Hanggang sa tumahan siya. Nandito din si Deli at nililinis ang mga kalat ni Ada.
"Ano'ng pangalan no'ng tukmol?" Tanong ni Deli habang pinupulot ang mga dumi sa sahig.
"Ian Pascua sa Arellano, siya 'yung sinabi ko sa'yo no'n na taga UPD pero hindi pala totoo 'yon. Niloko niya 'ko." Ada cried again. Nagkatinginan kami ni Deli at parehas kaming napailing.
"Saan mo siya nakilala?" Tanong ko.
"S-Sa dating app" sagot ni Ada
"Alam mo kung saan siya nakatira?" Tanong ko. Tumango si Ada saka umiyak.
Sa mga sumunod na araw ay nag file kami ng case against do'n sa kasama ni Ada sa video na si Ian. Mahaba ang naging proseso ng kaso. Nandito ako sa condo ni Ada habang umiiyak dahil aalis na si Ada at uuwi na siya sa Laguna.
"Tatawagan mo 'ko palagi, ah" Hindi ko mapigilang umiyak habang nililigpit ang gamit ni Ada. "Ako pa rin 'to, ang kaibigan mo"
Hindi sumagot si Ada at hikbi lang ang naririnig ko sakanya. We've been friends since first year. Two years ang tinagal ng pagkakaibigan namin at para sa'kin sobang tagal na no'n. Mahal ko si Ada like my own sister. Siya ang dumamay saakin sa lahat ng bagay. Pag may problema, siya ang takbuhan ko noong wala pa si Seven.
"P-pag may umaway sa'yo do'n, sabihin mo sa'kin" Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa pag-hikbi. "P-pag ayaw ka nilang kainuman, tawagan mo..."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil hindi ko na kinaya. Ang hirap hirap... Maiiwan na naman ako. Ang hirap...
BINABASA MO ANG
Calming the Waves (Galvez Series #3)
RomanceGalvez series #3 (Completed) Seven Ortiz is a rich basketball player who strongly believes in being faithful and loyal to one's lover. He has fallen in love with someone who doesn't reciprocate his feelings. Despite the heartache, Seven doesn't give...