Chapter 28: Failed

69.3K 1K 164
                                    

Iyak ako nang iyak buong magdamag. Wala si Seven at hindi umuwi dahil binantayan niya daw si Zico na na-ospital. May dengue 'yung kapatid ni Seven. Hindi ako pumasok sa school dahil wala akong gana. Wala na 'kong gana sa lahat ng bagay. 

Na scam ako ng isang million. I know it was just a bag pero ang laking pera no'n! Bakit ba kasi napaka-tanga ko! Gusto kong mag inom ngayon pero wala si Ada, si Deli busy sa trabaho so I decided to drink alone. 

Nag inom ako nang nag inom habang umiiyak. Wala naman akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko lang. Tanga ako, e! Nag pa-uto ako kaagad! Naknamputa! Sunod sunod na mga nangyayari sa'kin. Magpapasko ata akong hindi masaya.

Lumabas ako at pumunta sa balcony. Masama akong tumingin sa langit habang hawak ang beer sa kabilang kamay ko.

"Eto ba yung kapalit sa pagtalikod ko sa pamilya ko? Ang pahirapan at durugin ako?" Sigaw ko at dinuro ang madilim na kalangitan. "Hirap na hirap na ko oh, hindi mo ba nakikita! Ano pa ba'ng gagawin ko? Ilang hirap pa ba yung pagdadaanan ko para naman sumaya ako? Putangina kinuha mo ng lahat e! Walang wala na ko!"

"Ano pa ba? Itodo mo na! Nahiya kapa e, ibagsak mo na lahat ng kamalasan ko para isang sakitan nalang... pero kailan mo paparusahan yung mga taong nanakit sakin? Kailan mo sila sisingilin sa lahat ng sakit na binigay nila sakin? Bakit puro saya yung kanila? Wag ka namang maging unfair! Diyos ka! Anak mo din naman ako diba?"

Napaluhod ako sa sobrang pag-iyak at sa sakit na nadarama. Pagod na pagod na kong masaktan! Pagod na pagod na ko sa buhay ko! Pagod na kong bumangon! I'm so tired watching everyone getting the life they wanted while me? Crying and begging God to give me a peaceful life.

"Bakit ganito yung mundo ko? Bakit ang hirap hirap mabuhay sa mundo ko? Putangina! Hindi kaba napapagod pahirapan ako? Kasi ako pagod na pagod na ko! Kung hindi lang din naman ako magiging masaya mas mabuti pang kunin mo nalang ako! Patayin mo na ko kasi pagod na pagod na ko!"

Iyak ako nang iyak hanggang sa nakatulog at nagising dahil sa sinag ng araw. Sobrang sakit ng ulo ko at hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto na 'to. Malinis ang paligid at parang walang nangyari kagabi. Sa huling pagkakatanda ko ay madumi 'to dahil sa iniwan kong kalat.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko do'n ang mga nakahain na pagkain at may note pa. Kinuha ko yung sticky note na nakadikit sa table.

'Eat your breakfast. It's your favorite bulalo. Maguusap tayo mamaya pag-uwi ako. I love you'

Napaupo ako dahil bigla na namang sumakit yung ulo ko. Kumapit ako sa lamesa dahil biglang nagdilim yung paningin ko.

"Gosh!" 

Nang maging okay ay nagsimula na akong kumain. As I about to drink my coffee nang bigla akong nakaramdam ng pagtaas ng sikmura ko. I felt really dizzy again. I went to the bathroom at duon nilabas lahat ng suka ko.

"Tangina!" Sigaw ko at napaupo sa floor ng cr. Nanghihina ako at parang gustong bumigay ng katawan ko pero tinatagan ko yung loob ko. "Ayoko ng uminom!" Tanginang hangover to!

After kong kumain ay naghugas ako ng pinag-kainan at naligo dahil ang baho baho ko na. After non ay natulog uli ako dahil hinang hina ako ng sobra. Ilang oras akong natulog at nagising nalang ako nang may narinig akong nagsasalita pero hindi ko pa dinidilat ang mata ko.

"Hindi ka ba napapagod, Ezekiel? Halos wala ka nang pahinga. Look at you, you look like you're not healthy anymore" Rinig kong sabi nang kausap ni Seven sa face time.

"I love her, Max" Seven said.

"You love her huh? You're suffering so much because you love her. Na kahit hindi mo gustong gawin, ginagawa mo pa rin because you love her? Damn it! Kakaiba ka talaga, Ezekiel" The girl on the other line laughed. "It's not love anymore. It's toxic"

Calming the Waves (Galvez Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon