Chapter 8: Painting

80.1K 1.2K 61
                                    

Maghapong hindi nagpakita sa 'kin si Seven dahil busy ata sa finals nila sa PBA. Manood nga ako minsan ng laro nila? Pero not now dahil marami pa 'kong tatapusin. After kong ma pass lahat ng requirements ko nandito ako sa may classroom para sa final grades, kung ano man ang makukuha ko ngayon ay dapat hindi na 'ko magugulat.

"Good news," Panimula ng adviser namin. "Walang bumagsak ngayong sem so that means... All of you passed this semester" Nagtilian ang ibang classmates ko pati si Ada ay niyuyugyog yung braso ko. I'm happy, I should be happy...

"Prof, pwede na kaming mag enroll next sem?" Tanong ng isa kong classmate. Ngumiti ang prof namin saka tumango. Nag tilian na naman ang mga classmate ko. 

"All of you did a great job, mukang magiging maganda ang inyong semester break ngayon" Our professor said and then looked at me. "Ah, Nathalia Galvez can I talk to you after class?" Bigla akong kinabahan nang sabihin yon ng prof ko. Hinawakan ni Ada ang kamay ko. I smiled and nodded.

"Yes, Prof" 

Nandito ako ngayon sa office ni Mrs. Cheng dahil pinatawag nya ko. i'm so nervous. Hindi ko alam baka ako lang yung bumagsak at nahiya lang syng sabihin kanina? Fuck! Kung ako lang ang bagsak ay baka ikamatay kona yon! Nakakahiya!

"B-Bagsak po ba ko?" Nangingilid na ang luha ko.

"No, Thalia" Nakahinga ko nang maluwag ng sabihin iyon ni Prof. "But unfortunately you got a very low grade, you only got 2.50, and I know your parents will be very disappointed about this" Napayuko ako sa sinabi ni Prof. I know that 2.50 in the overall semester is very disappointing. Hindi dapat ganon ang grades ng anak ng isang Doctor. Nakakahiya.

"I-I'll do better next time..." My voice cracked. 

"Nakita ko din yung previous grades mo, ganon padin, no improvement, Thalia, do you want me to call your parents?-"

"No, Prof, please" tuluyan na kong naluha. "May problema po sa house and ayoko na pong dagdagan" Pagdadahilan ko. "Just let me handle this, I passed and that's what matters" Pinunasan ko yung luha ko.

"You barely passed this semester, Thalia. I know both of your parents, hindi ko sasabihin sakanila ang mga grades mo but please try to do better," Tumango ako at nagpaalam ng lumabas. Kung hindi ako nagkakamali ay baka kinausap na ni Mom yung prof ko tungkol sa pag aaral ko dito. 

Pagbalik ko sa unit ko ay malayo palang nakikita ko na yung babaeng nakatayo sa labas ng pinto ko. Huminga ako ng malalim saka lumapit. Why the fuck is she doing here? 

"Tati..." She started.

"Not now, Autumn" I'm not in the mood for the drama may sarili akong problema at gusto ko munang mapag-isa.

"Tati, I need to talk-"

"STOP! I don't want to talk to you! Leave me alone!" Hindi ko mapigilang sumigaw. "I will never ever talk to you!" Padabog akong pumasok sa unit ko at sinara ang pinto. Sumandal ako sa pinto at hinawakan ang dibdib ko dahil sa patuloy na pag-iyak.

"I'm sorry, Thalia, please talk to me" Naririnig ko padin si Autumn sa kabila. I don't want to talk to her. She ruined my trust, sya ang dahilan ng lahat. She left me, She's the reason why Kuya Red almost died years ago. Sya ang dahil ng lahat, dahil sa pangarap nya! Selfish sya, hindi nya ko inisip kahit kailan!

Pumunta ko sa room ko at nagpalit ako ng damit. I bun my hair saka ako nag paint.Hindi ko alam kung ano yung pinepaint ko. I'm crying, iyak lang ako ng iyak habang nag papaint. I need to do this to calm myself.

"Bobo ka, Thalia! You're a big disappointment! Black sheep! Walang kwenta! A bitch! Kaiwan iwan! The worst Galvez!"  Binato ko yung brush at hinawi ko yung paint dahilan para tumapon ito sa sahig . As I was about to throw the painting away, someone grabbed my hand and pulled me closer to him. He hugged me. Kinulong nya ko sa kanyang braso at sinandal nya ang ulo ko sakanyang dibdib.

Calming the Waves (Galvez Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon