Kabanata 12

9 4 0
                                    

"Bilhin mo lahat ng kakailanganin mo sa apartment. Anything you want, add to cart. I'll pay for it."


Napawow ang bibig ko sa atas ni Max. Paanong hindi e hinayaan ba naman akong bilhin ang mga gusto kong bilhin nang libre. Nandito kasi kami ngayon sa isang mall. Ayaw ko sanang sumama pero pinilit ako nito kaya wala akong nagawa. Sumama nalang ako.



"Kahit ano? Kahit dose-dosenang hotdog?" Pagbibiro ko. Ganon nalang ang pagtawa niya.




"There is still more there." Natatawa itong namulsa. "M-Maybe some beauty stuffs?"




"Magpapaganda kana rin, Maxi? Omg ka." Pabiro ko ulit saka tumawa nang nakakaloko.



Rinig ko ang pagbuntong hininga nito. Napawi rin agad sa mukha niya ang siya at tuwa.



"Joke lang." Dagdag ko kaya sumilay sa kaniyang labi ang ngiti.



"I know." Aniya. "Sige na, kumuha kana ng mga gusto at kakailanganin mo."



Tumango ako at unang tumungo sa seksyon ng mga processed foods. Sunod nang sunod sa akin si Max habang tulak tulak 'yong cart. Gusto kong bumili ng mga processed foods dahil tamad akong magluto, gusto ko sa madalian at mabilisang proseso lang lamon agad.



"Eto, pancit canton?" Humingi muna ako ng permiso sa inosenteng pagmumukha niyang nakatingin lang sa akin.



"A-Anything." Tumango siya kaya naman kumuha na ako at inilagay sa karitela.




Marami-raming pancit canton ang inabot ko. Mahigit kumulang nasa singkwentang piraso. Sisiw lang naman 'yon sa wallet ni Max kaya dinagdagan ko pa ng isa pang singkwenta. Kumuha rin ako ng cup noodles, hinigitan ko narin ang bilang ng pancit canton. Kumuha ako ng sobra sa isang daang piraso.



Tinignan ko si Max na walang kahirap hirap na tinutulak ang punong puno na cart. Malaki naman ang katawan niya kaya naisipan kong dagdagan pa 'yong mga nasa cart. Walang silbi ang pagiging maskulado kong hindi naman magagamit.




"It's full, Yllena." Saad ni Max kaya napatingin ako sa cart na may pundok ng pancit canton at cup noodles. "Saglit, kukuha ako ng isang cart."



Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Hinatid niya 'yong punong cart sa reservation area malapit sa counter. Bumalik naman agad ito na may dalang magkasapaw na cart. Mapaparami ata ako rito ah.



Nagsimula ulit akong mangolekta sa estante. De-lata naman ang mga kinuha ko. Dinamihan ko na rin. Kumuha rin ako ng tatlong silyadong tray ng itlog. Isang container ng mantika at isa rin sa patis, as if naman kailangan ko 'yon.



Tumigil lang ako sa pang-aadd to cart nang mapuno ko na naman ang isang cart. May isa pang nakasapaw pero kinuha iyon ni Max. Ang akala ko ay boluntaryo itong tutulong sa akin sa paglagay ng bibilhin sa karitela. Pero hindi.




"Hawakan mo muna 'to." Pinahawakan niya sa akin ang isang basyong cart at hinatid ulit 'yong isang puno sa reservation.




Bumalik ito at kinuha sa akin ang cart. Hindi ko alam kung ano ang i-aadd to cart niya. Basta sunod nang sunod nalang ako. Hindi narin ako nagtanong dahil makakarating rin naman kami.



"You supposedly checked these out instead." Sabi ni Max nang makarating kami sa seksyon ng gulayan. "Good for the health and body friendly foods."






Dahan-dahan akong tumango. Okay. Ikaw na malusog at mahilig sa gulay. "So ibabalik nalang natin 'yong nasa reservation?"




"That's not what I meant." Sagot nito. "S-Siguro kailangan ding may ganito sa ref diba? Masustansyang pagkain."




Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon