Kabanata 17

13 6 0
                                    

"Anong gusto mong kainin? Your favorite hotdog and fried rice? Or you want something new?"



Hindi pa ako maalis sa wheelchair ay nagtatag na agad si Max ng interogasyon. Nandito kami ngayon sa kwarto ko at kakarating lang namin galing sa infirmary ng university. Hindi pa man ako makalipat ng kama ay pina-ulanan na niya ako ng mga katanungan.



"Kahit ano basta masarap," nginitian ko siya. "Salamat, Max."



Bago siya umalis, binuhat ulit ako nito at inilipat sa kama. Inasahan ko na rin 'yon dahil hindi ko naman kakayanin kapag sasarilihin ko lang ang pag-akay sa sarili.



Nakasandal lang ako sa backrest ng kama. Naanod na naman ang paningin ko sa paa kong balot ng plaster. Humugot ako nang malalim na hininga. Kaya ayaw ko sa mga ganito e, madalas akong napapahamak. Hindi ko rin naman masisisi si Gab sa suhistiyon niyang makes my hater's insecurities overdo, nasa sa'kin parin 'yon, sinunod ko e.



Dahil sa kalooban kong sampalin ng inggit ang mga taong may ayaw sa akin, ngayon ako pa ang nayari, ako pa itong napilayan. Bakit kaya ganon? 'Yong inaasam mo tagumpay pero binigay sayo kabiguan.


Bumalik si Max bitbit 'yong tray ng pagkain. Ni pagbihis nga ay hindi niya nagawa, football jersey parin ang soot nito. Wala iyong paborito kong hotdog at fried rice sa tray. Tinignan ko ang pagkaing na inilapag niya sa side table. Hindi pamilyar sa akin kung ano pero may sabaw, tapos kanin.




"Ano 'to, Max?" Hindi sa mapili ako kundi dahil sa kyuryusidad.



"Sinabawang karne ng baka, with pechay and cabbage. Masarap 'yan," ngumiti siya. "'Yan lang na cuisine menu ang mabilis kong lutuin. Give it a try."



Never pa ako nakatikim ng ganon. Hindi talaga ako mahilig sa mga sabaw na may leafy vegetables pero nakakahiya naman kung mamimili pa ako. Sayang naman ang effort ng tao.




Kumuha ako ng kutsara at tinikman ang sabaw. Saglit akong natulig nang matakam ang sabaw sa luto ni Max. Masarap ang lasa. Kumuha na rin ako ng plato at kanin upang kumain.



"Don't you eat pechay?" Napansin ni Max ang paghiwa-hiwalay ko ng pechay sa karne ng baka.



"Hindi," umiling ako at tumawa na parang nahihiya. "Ikaw? Kumakain ka ng pechay?"



"Yes of course. That's so delicious." Lumunok ito.



"Kainin mo nalang kaya 'to," itinuro ko iyong naitabi kong pechay. "Kumain ka nalang kaya, Max. Hindi kaba nagugutom?"




"Nope," umiling lang siya at nagsimulang mamasyal sa kwarto ko. "Ito 'yong sa Singapore diba?"



Tumango lang ako habang ngumunguya. 'Yong mga picture ko nung sa Singapore ang tinitignan niya. Pinrint ko kasi lahat 'yon at dinikit sa wall. Nagpatuloy ako sa pagkain. Hinayaan ko siyang sinusuri ang mga larawang kong nakadikit sa tabike na 'yon.




"Ito sino 'to?"




Seryoso ang tono ni Max. Kaya tumigil ako sa pagkain at tinignan siyang nakatingin din sa akin, nagtagpo ang mga mata namin. Umiwas ako at tinignan ang daliri niyang tinuturo 'yong picture kong may umaakbay sa akin.



"Si Gabrielle." Sagot ko saka sumubo ng kanin.



"I thought Gabrielle is a boy," tumawa siya. "Her name sounds like a guy."



Ngumisi lang ako nagpatuloy sa pagkain. Humigop ako ng sabaw at kinain 'yong karne, maliban doon sa mga pechay na sahog, itinabi ko lahat ng 'yon sa isang plato. Hindi ko alam pero wala talaga sa taste ko ang mga leafty vegetables. Hindi naman sa pagiging maarte, feeling ko kasi kapag kinakain ko 'yon bumabaliktad ang sikmura ko.




Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon