Kabanata 4

23 5 0
                                    

Nightmare





"Sige na, Yllena. Tumalon ka, hindi naman kasi malalim, sakto lang."






Kahit na anong pamimilit ni Manang ay hindi ako nagpapakumbinsi. Natatakot ako, hindi pa naman ako marunong lumangoy. Baka sakaling malunod ako. At isa pa, hindi ako komportable sa soot ko, naka bra lang kasi ako at panty, suhistiyon ni Mommy ang lahat. Ayaw ko namang biguin siya kaya napilitan ako. Nakakabalisa para sa akin, kung kaya't nakatakip ako ng tuwalya hanggang ngayon.






Hindi tulad sa soot ni Manang Rosana. Na sobrang komportable sa attire niya, paanong hindi e naka damit tapos cycling lang. Habang ako, kunti nalang at lalabas na ang kaluluwa.






"Bilis na. Hindi ka rito malulunod, tsaka wala ritong shokoy pero may balyena." Dagdag pa ni Manang at itinuro ng nguso si Rianne sa dulong bahagi ng swimming pool, naliligo rin nang mag-isa. Si max kasi ay naka-upo lang sa gilid, may phobia rin ata sa tubig.






"Ayuko, Manang. Giniginaw ako." Pagdadahilan ko at sumimsim ng lemon juice sa gilid.






"Giniginaw ka tapos iniinom mong juice malamig?" Narinig ko ang pagtawa nito. "Hali kana, 'wag na mag dahilan."






"E Manang, wala ako sa mood maligo. Ikaw nalang kaya." Rason ko ulit dito. Mauubos nalang ata ang pwedeng idahilan ko, hindi parin ako tinatantanan.






"Bahala ka nga riyan." Mabuti naman at sa wakas ay tinigilan din ako nito.






Napansin kong nakikisali si Manang doon sa tatlong lalaking foreigner na kaedad niya. Mukhang may binabalak ata, siguro totohanin niya talaga 'yong sinabi niya na baka raw isang Singaporean ang nakatalaga para sa kaniya. Kaso, parang hindi naman Singaporean 'yon, sa tingin ko isang Amerikano.






Natatawa akong pinagmamasdan si Manang. Ang kulit talaga, tila ang tatlong foreigner pa ang nahihiya sa paswimming swimming na may halong tsansing ni Manang. Ang lakas talaga ng tama, ni hindi man lang nahiya.






"Mag-ingat ka, Manang. Baka sisirin ka ng mga 'yan." Natatawa kong sigaw rito.






"Whom are you laughing at?" Naudlot ang pagtawa ko nang humigit sa pandinig ko ang boses ni Max.






Napalingon ako nang bigla. Normal naman na ang nakapintang reaksyon sa mukha niya, pero sa tono ng tanong nito bakas ko ang bad atmosphere niya. Bakit naman kung ganon? Hindi ko naman siya inaway? Pwera nalang kung hanggang ngayon ay hindi parin ito nakakamove on sa bangayan namin nung nakaraan?






"Bingi kaba, Yllena? I'm asking you, to whom are you laughing at?" Iritableng tanong nitong muli sa akin.






"Bulag kaba, Max? Nakikita mo naman siguro kung kanino ako tumitingin habang tumatawa?" Pagpapabula ko rin sa kaniya.






Muntik pa akong mapatayo sa inuupan kong sunlounger, mabuti nalang at naalala kong may tinatakpan pala ako ng tuwalya, kaya ganon nalang kapako ang sarili ko sa upuan.






"Whatever." Supladong aniya at umiwas ng tingin. Kita ko pa ang paglitaw ng panga niya, hindi ko lang makumpirma sa mga mata dahil nakasoot ito ng shade. "Where's Mom and Dad?"






"Umalis, may urgent daw na meeting." Sagot ko, iyon naman talaga ang sabi ni Mommy kanina bago sila umalis, ang akala ko nga ay bakasyon rin ang sadya nila rito, tungkol din pala sa negosyo. Lumitaw naman agad sa mukha ni Max ang pagiging kampante.






"Kunan mo'ko ng drinks." Hindi ko inaasahang utusan niya ako nang ganon ka kaswal. Unang beses na inutusan ako ng supladong ito, kaya nabigla ako nang bahagya.

Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon