Kabanata 16

9 4 0
                                    

"Pose ka muna saglit sa gitna, then smile, pose and turn, smile and go then stop, pose, smile and exit."

Hindi ko masaulo ang instruction ng bading na nagtuturo sa akin. Sobrang bilis ng bunganga niya, hindi ko mahabol, lalo pa at wala ako sa huwisyo. Parang machine gun ang bunganga niyang rumaratrat. Minsan ay nagtatalsikan pa ako ng laway sa sobrang bilis.


Tulad nga ng sabi ko, buo na ang desisyon ko para sumabak sa beauty contest. Kahit na ganon, may parte parin sa loob kong nagpapabigat sa akin, at iyon ay ang plano ng mga adoptive parents ko na gawin akong legitimate child. Hindi sa ayaw kong maging lehitimong anak nila, ngunit may prosesong gagawin upang mangyari 'yon, at 'yon ay kailangang baguhin ang apelyidong nakasanayan at kinalakihan ko, bagay na nagpapa-alinlangan sa akin. Para kasing ganon lang kabilis na burahin at palitan ng bago.




"Nakikinig kaba, Yllena?" Nagulat ako sa pagkalabit sa akin ng bading.



Ngumiti ako at umaktong mabuti. Iwinaglit at binura ko na muna sa isipan 'yong mga naiisip ko. May tamang panahon para doon, at kailangan kong mag focus dito ngayon sa contest na sasalihan ko.


"Wala po bang slow mo?" Reklamo ko sa bading.


"Alam ko ginagawa ko beh. Huwag mo'kong pangunahan huh?" Istrikto niya akong tinignan, nakataas ang isang kilay.


"Hindi po. Ibig kong sabihin, slow mo lang ang pag-instruct," marahan kong paglilinaw. "Mahirap kasi e-catch up."



"Whatever," umirap din ito sa kawalan saka kumuha ng heels sa mesa. "Ito, isoot mo."


Shet! Sukat palang ng takong nanginginig na ako. Sobrang taas kasi. Hindi ko pa nga na try magsoot ng mga heels tapos ngayon first time sobrang taas?



"Nakikinig kaba talaga? Kasi kung hindi pwede naman akong maghanap ng iba."




Kinuha ko nalang 'yong heels sa bakla. Hinubad ko muna 'yong soot kong sneakers. Napa-upo pa ako sa semento para isoot 'yong mahahabang heels. Pabigla-bigla rin kasi 'tong mentor ko e, ni hindi man lang muna ako tinanong kung natry kona ba mag heels o ano. Napwersa tuloy akong isoot itong mga heels na ito ngayon.




"Aray.." Sigaw ko nang maipit ang daliri ng paa ko sa sikip ng heels.




"Normal lang 'yan. Huwag kang mag inarte. Tumayo kana riyan at nang makapagsimula na ulit tayo."


Dahan-dahan akong tumayo sabay alalay sa sarili. Naiisip ko kasi na baka mawalan ako ng balanse. First time ko pa naman ang mag heels tapos sobrang taas pa.



"Now... pose... smile... turn... fierce and smile."



Ginagawa ko naman ang itinuro sa akin. Nag pose, nag smile pero nung pag turn ko ay bigla akong natapilok kaya ako bumagsak. Pakiramdam ko naman ay humiwalay sa akin ang dibdib ko, kumalabog ito sa kaba at bigla. Nagulat ako sa nangyari, alam kong hindi ako marunong sa heels pero hindi ko inaasahang babagsak ako nang ganon.



"Omg ka beh! I thought you already know how to deal things like that..." Sermon nito sa akin sa halip na tulungan akong tumayo.



Naka-upo lang ako sa sahig. Mariin kong hinawakan 'yong tikod kong narinig ko kaninang parang may nabasag. Tinignan ko pa 'yon at nakita kong namula nang kaunti. Masakit pero mas masakit sa tainga itong boses ng bading.



"Well, normal lang 'yan. Tumayo ka nalang at subukan mong muli." Utas nito sa akin.



Lumunok ako dahil may naramdaman akong masakit sa paanan ko. Dahan-dahan akong tumayo. Ginamit ko pa ang dalawang kamay ko upang itukod sa sahig para alalayan ang sarili pero hindi ko talaga kaya. Sa tuwing huhugot ako ng lakas ay mas lalong sumasakit ang tikod ko.



Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon