Kabanata 6

10 4 0
                                    

Away


"Lintek na...."

Maingat akong napamura at bumangon sa hinihigaang sofa. Umunat-unat muna ako dahil sumakit ang likod ko. Hindi sana ako rito natutulog e, sa kama dapat.

Sinulyapan ko ng tingin si Max na mahimbing na natutulog sa kama. Topless parin dahil simula nung makatulog ito, hinayaan kona. Tanging ang paglinis lang ng suka niya ang ginawa ko. Maging ako ay napilitan pa tuloy na matulog sa sofa.

Huling araw ngayon bago kami aalis ng Singapore pauwi sa Pinas. Ang o-a na Max ay naglasing pa talaga at umiyak dahil naunang umuwi ang suplada niyang nililigawan, e uuwi narin naman kami bukas. Pati ba naman ako nadamay sa drama niya. Langya!

"Hoy gising." Binato ko ng unan si Max kaya nagising ito sa gulat. Nilibot pa niya ng tingin ang buong silid.

"Why I'm here?" Nagtatakang tanong nito at napansin ang sariling walang damit. "Where's my shirt?"

Umiwas ako ng tingin sa nakaladlad niyang katawan. Unti-unti akong lumunok at hindi ko alam kung bakit ko naman ginagawa. Bakit naman ako ganito?

"H-Hindi mo na talaga maalala noh?" Palakad-lakad kong sabi, para kahit papaano ay maiwas ko sa tukso ang mga mata.

"Alala na ano?" Hindi ko alam kung ano ang ekspresyon niya pero halatang naiinis ito dahil sa tono ng boses niya. "Na pinagsasamantalahan mo'ko?"


Uminit ang tainga ko. Medyo nainis ako ron sa akusasyon niya. Hinarap ko ito nang masinsinan. "Hoy! Namerwisyo kana nga sa tulog ko, ang lakas pa ng loob mong akusahan ako ng ganiyan!"

"Then why I'm here-okay, I remember. I'm drunk." Mabuti naman at naalala niya dahil ayaw kong ako pa ang magpaliwanag. "Itimpla mo nga ako ng kape."

Tumingkad ang tainga ko sa pagkaka-utos niyang 'yon. Para bang hindi na bago sa kaniya ang utusan ako, kaya ganon kakaswal. Hindi naman sa tamad ako pero parang sinasamantala nalang nito ang pagiging masunurin ko ah.

"Ano ba talaga, Max? Umalis kana kaya rito at ikaw na ang magtimpla ron." Naiinis na ako.

"This is my room, bakit mo'ko papaalisin? Kung ikaw kaya ang papaalisin ko rito!" Saad nito sa mataas na tono. Nagagalit ata dahil sa pamumula ng tainga at paglitaw ng kaniyang panga, ganon din ang pag-alab ng kaniyang mga mata.


Hindi ako kumibo at ako na ang nagparaya. Inirapan ko nalang siya at umalis na ng silid. Nabwesit ako. Ginawa pa akong utusan. Hindi naman siya ganon noon. Dati, umiiyak 'yong araw kapag hindi ako nasusungitan, may beses pa na hindi ako pinapansin. Ngayon, minsan suplado minsan bumabait, sobra pa kung maka-utos. Ano kaya ang nakain niya at parang may nagbago ata sa kaniyang pagkatao?


Hindi ko maintindihan si Max. Kaya ba niya ginagawa iyon dahil parin sa banta sa kaniya ni Dad? O baka bipolar siya? Iwan ko nalang. Hindi ko kayang unawain ang personalidad niya ngayon kumpara nung una.


Kumuha nalang ako ng kape at bumalik na agad. Pagkarating ko sa unit ay nadatnan kong wala na si Max. Napailing ako at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. Bwesit! Pinagloloko lang ata ako ng bangaw na 'to? Pinagod pa ako sa pagkuha ng kape tapos tatakasan ako?

Nilapag ko ang kape sa side table at hinalungkat ang magulong kumot. Kumislot ang mukha ko nang masalat ko ang basang pilyego. Hindi ko pa man makumpil kung ano 'yong basang nahipo ko pero tumatakbo na agad sa isip ko na bumalik sa pagkabata si Max. Umihi? Dahil sa kyuryusidad ay naudyok pa akong amoyin ito nang bahagya. Umihi nga!



Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Inang Max 'yon! Langya! Namerwisyo na nga kagabi, nag-iwan pa ng ihi. Bahala na 'yong mga staff nila ang maglinis dun. Tutal at may room checkers naman, bahala na sila sa amoy ng ihi ng amo nila. Paano naman kung isipin nilang ako ang may kagagawan nun? Lintek ka talaga Max! Pvnyeta ka!




Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon