Kabanata 10

7 4 0
                                    

"To Tiero Maxxi Villarde."



Sulat para kay Max? Close sila nung kalbong professor? Iyon kaagad ang pumasok sa isipan ko nang mabasa ang nakasulat sa labas ng envelope. Ako na rin ang nag volunteer para utusan ng kalbong prof na 'yon. Kahiya naman kasing e-nominate ko si Gab.



Lumabas ako ng lecture hall bitbit 'yong envelope. Hinanap ko ang building 2. Siguro doon ang lecture room nila ni Max. O baka doon ko siya mahahanap. Kaya sa building 'yon ako inatasan.




"BUSINESS DEPARTMENT 2."




Tinignan ko ang envelope pagkatapos basahin iyong malaking nakasulat sa building na kaharap ko ngayon. Hindi kaya ito na ang building na sinabi nung kalbo? Business student din kasi si Max, kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Pumasok ako para kumpirmahin at para maibigay kay Maxi itong envelope.





"B-Bakit, Hija? May kailangan ka?"





Napansin ako ng babaeng professor. Naudlot ito sa diskusyon at tinignan ako nang mainam sa ilalim ng soot niyang salamin. Huminto ako sa pasukan. Pilit akong ngumiti sa hiya. Napansin ko kasing marami na ang nakatitig sa akin.




"N-Nandito po ba si T-Tiero Maxxi Villarde?" Nauutal kong tanong. Ganon pa man ay ngumingiti parin ako nang pilit.



"Villarde raw." Sabi nung professor sa mga naka-upong estudyante. Marami kasi sila kaya mahirap rin para sa akin na hanapin si Max.



"Wala. May appointment raw sa sports office." Sagot nung isang estudyante.



"May appointment raw sa sports office, hija." Pag-uulit ng professor. "Boyfriend mo?"



Nagulat ako sa sinabi niya. Sunod-sunod ang paglunok ko. Parang niyanig ang pagkatao ko sa sindak. Ganon pa man, rinig agad ko ang ingay ng kaunting bulong-bulongan. Chinismiss agad ata ako?




"H-Ha? H-Hindi po. K-Kuya ko po siya. May ibibigay lang sana ako." Paglilinaw ko kaya tumahimik bigla. "Sige po. Salamat nalang. Pupuntahan ko nalang sa sports office kung ganon."



Lumisan agad ako sa building na 'yon. Pakiramdam ko, mauubos ang kumpiyansa ko sa sarili kapag mananatili ako ron, na ganon ang eksena.


Tumpak naman akong doon ko mahahanap si Max, kaso lang wala siya ron. Kaya hinanap ko nalang ang sports office. Doon ko nalang siya pupuntahan nang sa ganon matapos ko na itong misyon ko sa professor na kalbo.



Lumapit ako sa grupo ng kalalakihan upang magtanong. Sa tantya ko ay lima silang lahat. Kanina pa kasi akong palakad-lakad at hindi ko man lang mahanap ang hinahanap kong office. Nag-aalinlangan pa akong lumapit sa mga ito dahil para silang mga bad boys. Wala naman na akong choice dahil sila lang ang malapit lapit sa akin. Ayaw ko na ring lumayo pa dahil para lang akong pumunta ng Amerika at bumalik sa Pilipinas kung ganon.




"H-Hi. Pwede bang nagtanong mga kuya?" Kaagad na naagaw ko ang atensyon nila at kaya pareho itong nakatingin sa akin ngayon. "Saan ba rito ang sports office?"




"Wow. Foods." Iyon ang isinagot sa akin nung isang may hikaw sa tainga.



"Ang ganda mo naman, miss. A-Ano nga ulit ang hinahanap mo?" Nakangising sabi nung naka blonde ang buhok at tinignan pa talaga ako sa baba pataas.




"Sports office ho." Nanigas ang bagang ko, paanong hindi e nahahalata ko ang pagnanasa nila sa mga mata.




"Sa gandang mong 'yan, sports office lang ang pupuntahan mo? Pwede ka namang sumama sa amin." Dumila naman sa labi 'yong nasa gitna, parang leader nila. Sumunod ang tawanan nung dalawa pa nilang kasama sa likod.





Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon