Kabanata 2

35 6 2
                                    

Stern

"Somosobra kana, Max! Not just because you were that spoiled brat from then, you will still talk to us that way! Hindi kana nakakatuwa!"




Napahinto ako. Narinig kong kinakausap ni Mr. Villarde si Max sa kwarto niya. Hindi muna ako nagpatuloy sa kwarto ko, naiwan kasing naka-awang ang pinto ng kwarto nito kaya rinig na rinig ko kahit nandito lang ako sa labas.




"You're out of respect. Kahit sa kasiyahan man lang namin ng Mommy mo, Max. Tutol ka parin?"




"I'm not defying you both, Dad. Gusto ko 'rin ang desisyon niyo, na... na mag-ampon ng anak na babae, how I wished I could have a sister too. But I was really expecting that you will adopt a year either months old baby, but then?"




"'It's our choice, Max. You can't do anything about it. Because from this day on, hindi na ikaw ang masusunod. Hinayaan ka namin sa mga gusto mo sa loob ng dalawampung taon, ngayon, hayaan mo na ang gusto naman namin ang masusunod!"




"Pero, Dad--"




"Wala ng pero pero, Max. Iba ako magalit, tandaan mo 'yan. Ipapadala kita sa States at ilayo sa nililigawan mo!" Pagbabanta ni Mr. Villarde sa anak. "Gusto mo 'yon?"




Napaawang na lang ang bibig ko sa narinig, hindi dahil sa sagutan nila kundi dahil sa ipinaglaban ako ni Mr. Villarde sa anak nitong palalo. Doon ay naramdaman ko ang presensya ng isang ama, na ipagtatanggol nino man. Walang humpay ang tuwang nararamdaman ko, kahit na nakakalumbay ang pag-uugali nitong si Max.




"Gusto namin na magkakasundo kayo ng kapatid mo, be a good and sincere kuya to her or else, alam mo na ang consequence, Max."




Pumasok kaagad ako ng kwarto nang naramdaman kong palabas na si Mr. Villarde, minabuti kong hindi maabutan dahil ayaw kong pag-isipan nila ako nang masama. Diretso akong umupo sa malapad at malawak na kama, dinadama ang nakakawili at malambot na higaan.




Maiisip ko lang ang pagiging mabait at mabuti sa akin ng mag-asawa ay nakakalimutan ko na agad na may dagok pa palang dapat lutasin kay Max. Nabigo siya sa sa inaasahan nito sa akin, ganon rin naman ako sa kaniya. Gusto niyang sanggol ang aamponin pero ito ako. Inaasahan ko rin na mabait siya pero ugaling demonyo pala.




Hanggang sa mga sumunod na araw, nahihirapan akong mag-adjust. Hindi parin maayos ang pakikitungo ni Max sa akin, hindi ko naman din hiniling. Nagiging mabait lang ito kapag nakatingin ang mga magulang niya, nagpapakitang tao lang. Pero kapag kaming dalawa lang, hindi man lang nakakakita ng tao. Pakiramdam niya siguro nag-iisa lang siya sa mundo. Napakasama ng ugali, natanong ko nga minsan sa sarili kung kanino nga ba nagmana 'tong Max na ito.




"How was the enrollment, Yllena?" Malawak ang ngiti sa labi ni Mom. Ipinasok kasi nila ako ni Dad sa isang university, kung saan nag-aaral si Max.




Kumakain kami ng hapunan, ito madalas ang oras na magkakasama kaming lima sa hapag, ang foster parents ko, si manang Rosana, si Max at ako. Kaya purong kwentuhan ang nangyayari, tila nasasanay narin naman na ako, sa tratuhan, sa paligid at sa tawagan. Kaya pakiramdam ko ay walang kupas ang tuwa na nararamdaman ng bago kong mga magulang, ang makita ko silang ganon ay siya ring kasiyahan ko.




"Ayos naman po, Mom," Ngumisi ako rito. "Nahihirapan lang ako sa una, pero nung tumagal na realize kong mabilis lang naman pala."




"Good to hear that, Yllen. Don't worry, isesettle namin 'yong apartment malapit sa university niyo para don kayo mag stay ng kuya mo kapag school days." Natutuwang sabi ni Dad, maging ako ay natuwa rin.




Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon