Kabanata 5

16 4 0
                                    

Drunk


"Are you happy with that, Yllena?"

Maluha-luha kong nginitian si Mommy. Hanggang ngayon ay hindi ko parin mapagtanto na isang iphone pro max itong hawak hawak ko. Hindi ko naman to inaasahan at hiniling pero kusang binigay nila Mom at Dad sa akin.



"Naisip kasi namin ng Mom mo na kailangan mo 'yan lalo pa at papalapit na 'yong pasukan." Nakangiti ring saad ni Dad sa akin.


Hanggang sa pagngiti at pagyakap nalang sa kanila ang sinukli ko. Laking pasasalamat ko sa kanila kahit na hindi ko naman ito ninanais pero kalooban na nila mismo ang nagbigay. Hinding hindi ako magsasawang ipadama sa kanila kung gaano sila kaswerte sa akin dahil ganon din sila sa akin. Sobrang swerte ko dahil dumating ako sa buhay nila.







Lumipas ang mga araw at palapit nang palapit ang pasukan. Kaya tinodo na namin ang mga nalalabing panahon sa paggala.


"Kunan mo'ko rito." Pag-utos ni Manang Rosana sa akin at nakangiting umawra sa camera. Tinapat ko naman sa kaniya ang cellphone para kunan ito.

Nandito kami ngayon sa Garden by the Bay, isa sa pinakasikat na tourist attraction dito sa Singapore. Sobrang ganda ng lugar, 'yong tinatawag nilang Supertree Grove na siyang mas lalong nagpatikas dito at sa tuktok nito ang tinatawag nilang Cloud Forest Dome na kapag nandoon ka raw sa itaas ay halos makikita mo ang buong lugar.


"Ano ba, Yllena. Bilisan mo naman. Tara sa tuktok." Nauna na si Manang na umakyat don sa tinatawag nilang Supertree Grove. Naiwan akong nagseselfie-selfie.


"Oh, what a luxury item you had." Napansin ko si Rianne na bigla nalang sumulpot sa gilid, hindi makapaniwalang nakatingin sa bitbit kong iphone.



"May problema?" Tinaasan ko ito ng kilay.




"Nothing." Kaswal itong umiling at tumawa nang bahagya. "Just wondering how lucky orphan you are. Akalain mo, isang ampon lang, pero saksakan ng mga luxurious and expensive stuff."


Kumunot ang noo ko rito. Iniinsulto ba niya ang pagkatao ko? Kasi sa tono ng pananalita nito nang-iinsulto e. Lang? Para bang pinapalabas niya na hindi ko deserve ang mga bagay na merun ako ngayon. Iniinsulto niya ang pagkatao ko?


"Bawal ba?" Hinarap ko ito at seryusong tinignan.



"Did I say something like that?" Sabat din nito sa akin sabay irap sa kawalan. Suplada talaga! Sarap turnilyuhan ang mga mata.


"Aba iwan ko sayo, bakit hindi mo kaya itanong 'yan sa sarili mo?" Umirap din ako. Baka sabihin palang niya isa akong weak. Mas mabuti ng palaban kesa maging talunan.


Naiirita niya akong tinuro-turo ng daliri. "You know what---"

"You know what-You know what... mama mo." Pang-iinis ko rito at umirap ma naman sa kawalan.


Napansin ko ang pamumula ni Rianne, senyales na nainis sa sinabi ko. Buti nga sayo, paki-alamera ka kasi. Ang katulad mong suplada ay karapat dapat na inisin at hindi nararapat na kaawaan.


"Bitch!" Umamba pa itong sampalin ako pero nasangga ko agad 'yon. "Let me go.."


Binitawan ko naman ang kamay niya hindi dahil sa nagpupumiglas siya kundi dahil tumunog ang cellphone nito. Lumayo ito sa akin at saka sinagot ang tawag. Hindi ko alam kung sino pero mukhang seryoso ata ang pinag-uusapan nila ng katawag niya. Hindi ko rin rinig dahil sa layo ng distansya ko rito. Di naman sa pagiging chismosa, pero may parte lang sa akin na para bang gustong gusto kong marinig ang kung ano man ang mga pinag-uusapan nila.



Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon