Kabanata 1

52 9 2
                                    

Lucky

"Ito na ang bagong bahay mo. Welcome home."



Binati kaagad ako ni Mrs Villarde pagkababa namin ng sasakyan. Bumungad sa mga mata ko ang malaki at engrandeng bahay nila. Naglakbay ang paningin ko sa paligid, may fountain, may garden, may mga sasakyan at may malaki ring swimming pool. Sa buong buhay ko, unang beses kong makakita ng ganito karangyang tirahan.



"From this day on, parte kana ng family namin." Malawak ang ngiti ni Mr. Villarde.



"Feel at home, Yllena. Just think you aren't a newcomer." Dagdag naman ni Mrs. Villarde na panay ang pagngiti sa akin, ganon rin ang asawa niya.



"M-maraming salamat po talaga sa inyo, Ma'am, Sir." Naluluha ako.



Hindi ko inaasahang darating ako sa ganito, na mapupunta sa taong mababait at mabubuti. Sobrang saya ng nararamdaman ko.



"Yllen," rinig ko ang pagbuntong hininga ni Mrs. Villarde, nagtinginan sila ng asawa niya. "Since part kana ng family Villarde, don't call me Ma'am but Mom, ganon din sa asawa ko."



"Mom at Dad na ang itawag mo sa amin, dahil magmula ngayon, anak kana rin namin." Dagdag naman ng asawa niyang may malawak na ngiti sa labi, bakas na bakas ang tuwa at saya sa mukha.



Gusto kong umiyak nang todo. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Simula pagkabata, ngayon ko lang naranasan ito, ang panindigan ako bilang anak ng taong hindi ko man lang kadugo at hindi kaano-ano. Kahit na tinalikuran ako ng totoo kong mga magulang, hindi ko inaasahang may katulad parin nila na ituring ako bilang anak. Matagal ako sa bahay amponan at lumaki ako roon bilang ampon at hindi bilang isang anak, kaya mahirap parin ikumpara ang nagiging buhay ko noon sa magiging buhay ko rito lalo pa at bago palang ako sa pamilyang ito.



"O-opo, M-Mom... D-Dad." Utal-utal na saad ko. Hindi ako sanay, naiilang ako.



Pumasok kami sa loob ng bahay. Una kong nakita ang makinang at maliwanag na aranya sa ibabaw ng sala, mahahabang sofa at designed crystal table. May malalaki ring mga naka-kwadrong gawa na nakakabit sa bawat pader. Napapaawang nalang ang bibig ko. Hindi kapani-paniwalang mga bagay, hindi ko ninanais na makita pero sa isang sulyap lang maaari ko nang mahawakan.



"Ito na 'yon, Brandon? Siya na ba, Alicia?" Isang may edad na babae ang lumapit sa amin, agad na ngumiti at tumango ang mag-asawa sa kaniya. Tinignan naman ako nito nang masinsinan mula ulo hanggang sa paa. "Magadang bata 'to."



"By the way, Yllena. Si Manang Rosana, ang pinagkakatiwalaan naming katuwang dito sa bahay." Pagpapakilala ni Mr. Villarde sa akin dun sa may edad na babae.



"Hi po." Naiilang akong ngumiti kay Manang Rosana.



"Manang, si Yllena, ang magiging anak namin na babae ni Ali." Ako naman ang pinakilala.



"Maganda diba, Manang?" Tinignan ako ni Mrs. Villarde nang may pagmamayabang sa mga mata, maging sa tono ng pananalita nito.



"Aba, syempre. Akalain mo namang nasa dugo rin ng dalagitang ito ang dugo ng mga Villarde, may pagkakahawig nga rin naman sa inyo." Saad ni Manang kaya tumawa sa tuwa ang mag-asawa.



"Ang mabuti pa, Manang. Maghanda ka ng masasarap na pagkain for family dinner mamaya," mungkahi ni Mr. Villarde. "Yong masarap talaga."



"Aba ako ba naman, Brandon. Hayaan mo mamaya, makakalimutan mo kung sino ka sa sobrang sarap ng lulutuin ko." Nagsipagtawanan silang tatlo sa pabirong antig ni Manang.



Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon