Kabanata 8

5 3 0
                                    

Delivery

“Siya 'yong sikat na football player dito sa university kung alam mo lang Yllena.”

Gusto kong tumawa sa sinabi ni Gab. Paanong hindi ko alam e ang supladong Max 'yong tinutukoy niya. Kaya pala ganon nalang ang reaksyon niya nang makita ito. Mahilig rin pala mag cafeteria si Max?

“Look oh. Ang gwapo niya.” Dagdag ni Gabrielle na para nang kinikiliti sa sobrang kilig.

“Si Max.” Natatawa kong sabi dito dahilan para tignan ako nito nang may pagtataka.

“Kilala mo rin?” Tanong niya na para bang excited na malaman ang isasagot ko.

“Siya 'yong nanliligaw don sa supladang Rianne. 'Yong sinabi ko sayo kanina, remember?” Napatango na lang ito sa sinabi ko.

Napansin ko naman ang titig nitong nanunuri. Para bang may tumatakbo sa isipan niyang gusto itong pakawalan sa bibig.

“So you mean... siya 'yong kapatid-kapatiran mo? Siya 'yong anak ng umampon sa'yo?” Nakanunot noong pangungumpirma ni Gab sa akin, nagagalak sa isasagot ko.

Hindi na ako sumagot sa kaniya at tanging ang pagtango nalang ang nireak ko. Doon ay mas lalong gumuhit sa mukha ni Gabrielle ang tuwa sa kabilang banda naman kawalang-paniwala, para bang hindi siya makapaniwala sa katotohanang nalaman niya.

“Girl. Winner kana, chicken dinner kapa.” Dagdag nito at tinapik ako sa braso.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Gab. “Anong ibig mong sabihin?”

“Simple lang. Diba, anak siya ng umampon sa'yo? So it's easy to... you know na.” Kinikilig na paliwanag nito sa akin na hindi ko naman nauunawaan. “Siguro naman close kayo, right?”

Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling. Nag-aalinlangan rin akong sabihin kay Gab na ganon ang pag-uugali ni Max, na isa siyang suplado at katulad ng nililigawan niyang may  problema sa pag-uugali. Wala rin akong kumpiyansa sa sarili para sabihing close kami dahil hindi naman totoo.

“H-Hindi.” Umiling ako.

“Seriously? B-But... Why? How?” Pagpapaulan nito sa akin ng tanong.

Napabuntong hininga ako. “Hindi ko rin alam, hindi naman siguro sa hindi niya ako matanggap pero... suplado e.”

“I don't care if he has that mannerism. That's still not enough to just discourage me or even someone of admiring him.” Saad pa nito.

Syempre buhay 'yon ni Gab. Labas ako kung magiging martir siya para sa taong hinahangaan siya. Sa akin lang naman ay ipaalam sa kaniya na ganon ang pag-uugali ni Max. Hindi ko naman sinabi 'yon para panghinaan siya ng loob.

Natapos ang kwentuhan at pagkain namin ni Gab. Hindi ko narin napapansin si Max rito. Huling napansin ko lang ay ang pagbitbit niya ng tray, hindi ko alam kung anong pagkain ang laman at saan niya 'yon dadalhin.

Umalis na kami ng cafeteria. Mahigit isang oras rin ang pamamalagi namin doon at hindi man lang mapansin ang oras. Malapit na rin naman ang next schedule namin kaya pumanhik na kami pabalik ng lecture hall.

“Can we just go to restroom first? Naiihi ako...” Hindi pa man matapos ni Gab ang pabor sa akin ay tumango na kaagad ako. “But I don't know somewhere...”

“Teka sandali, magtatanong tayo.” Ngumiti ako at lumapit sa isang estudyanteng naka-upo sa kabilang bench, nagbabasa ng libro. “Pwede pong magtanong?”

“Nagtanong kana.” Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya o namimilosopo. Hindi rin ito tumitingin sa akin at nakapirmi lamang ang mga mata sa binabasa.

Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon