Kabanata 9

6 3 0
                                    

"T-Tangîna... ano 'yon?"


Naudlot ang pagtulog ko. Hindi ko inaasahang gisingin ako ng isang pagsabog na nagmumula sa kusina. Nasindak ako nang marinig 'yon. Natatakot at kinakabahan akong napabalikwas sa kama. Tinignan ko ang oras sa cellphone at mag 12:00 na pala ng hating gabi.

Bumangon ako at nagmamadaling lumisan ng kwarto. Kahit na may tensyon ay obligado akong lumabas para sipatin ang pagsabok na 'yon. Paano nalang kung lumikha 'yon ng apoy at kinabukasan abo na ako. Huwag naman sana.



"M-May tao ba riyan?" Dahan-dahan kong sinilip ang naka-awang na pinto sa kusina. "PUTAAA!!"



Hindi ko alam kung saan ako papunta o tatakbo sa gulat. Mariin ko nalang na sinandal ang sarili sa pader. Kumalabog ang dibdib ko sa labis na takot at kaba. Bigla kasing namatay ang lahat ng ilaw. Niyakap ako ng kadiliman at kahit ni isang alitaptap ay wala akong makita. Takot pa naman ako sa sobrang dilim.



Nangatog ang binti ko. Gusto kong sumigaw ng tulong sa takot. Umabot pa sa puntong gusto kong umiyak pero naging poste ako bigla nang may narinig akong mga yapak ng paa.


"S-Sino 'y-yan?" Nauutal kong sambit sa madilim na paligid. Napapadasal nalang ako nang marinig kong papalapit na ang mga yapak na 'yon sa akin. "T-Takot ako sa d-dilim... g-gusto ko pang mabuhay!"


"Tumabi ka diyan, baliw."


Isang malamig at walang emosyon na boses ang narinig kong boses. Gusto kong sumabog sa gulat at inis nang makumpirma kong boses 'yon ni Max. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Lintek! Ako ba'y pinagtitripan nito?

"Max? Nantitrip kaba?" Singhal ko sa inis.


"Sorry." Rinig ko ang walang kabuhay-buhay niyang boses. "Pero hindi kita trip."

Mas lalong namuo sa akin ang inis. Uminit ang tainga ko. Kumulo ang dugo ko. Halos atakehin na nga ako sa puso dahil sa ginawa niyang pambubulabog, nagawa pang magloko.


"Hating gabi na, Max! Nakakaistorbo ka ng tulog! Ano bang trip mo?" Umigting ang bagang ko sa iritasyon.


"I don't care." Malamig niyang turan.


Kahit na madilim at hindi ko ito nakikita ay ramdam ko ang presensya niya sa harapan ko. Pakiramdam ko ay nagka-altapresyon ako sa mga sagot niyang walang kwenta. Kung kaya't nasuntok ko ito sa hindi ko malamang parte ng katawan niya. Wala akong ideya kung saan tumama ang kamao ko.


"Fvck!" Sigaw nito at bakas sa boses niya ang pamimilipit sa sakit.


Natigilan ako nang marealize ko kung saan ko siya natamaan. Uppercut sana 'yon e, pero palagay ko hindi man lang lumagpas sa bewang niya ang kamay ko. Kung kaya't aksidenteng tumama 'yon sa kaniyang bolas. Bwesit! Nahiya ako!



Umalis ito sa harapan ko at naramdaman kong pumasok siya sa kusina. Sumunod ako at sumilip ng lang sa pintuan, doon ko pa nakita at napansin na nag-aapoy ang microwave oven. Sa liwanag na sanhi ng apoy ay nakita ko si Max na may bitbit na fire extinguisher.



"Hoy!" Ganon nalang rin ang gulat ko nang dumilim bigla pagkatapos mapatay ang nag-aapoy na oven. "M-Madilim! Ano ba!"


"May multo diyan!" Namalayan kong dumaan si Max sa harapan ko kung kaya't agad ko siyang hinawakan at sumunod sa mga hakbang niya. Natatakot ako.


Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero napansin ko ang bukas niya ng pinto. Isang mahigpit na paghawak sa kaniya ang ginawa ko. Nang sa ganon ay hindi maiwan sa bingit ng kadiliman. Hindi ko rin alam bakit sobrang naduduwag ako pagdating sa madilim. Natatakot ako.




Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon