Kabanata 23

7 1 0
                                    

Voice





"Why don't we go to play arcade games?"






Alok ni Roi pagkatapos naming magkape at lumabas ng café. Ang pagngisi ng tatlo sa excitement ay siya ring pagkirot ng lower abdomen ko. Ramdam ko ang pamumulikat ng aking puson, kaya kaagad na nag reak ang mukha ko sa sakit.






"Ayos kalang, sis?" Nilapitan ako ni Gab.






"Namumutla ka ah," lumapit din si Roi. "Okay kalang, Yllena?"






Hindi ako sumagot. Napadiin lang ang paghawak ko sa kung saang parte ang kumikirot sa akin.






"Hindi siya okay e, kita naman sa mukha," nag-aalala ring lumapit pati si Aiden, tinapik niya ako. "Okay kalang, Yllena?"






Binatukan pa ni Roi itong pinsan niya. "Crazy dude."






Gusto kong tumawa pero pinanhigitan ako ng sakit sa puson. Nais kong magkunwaring ayos lang ngunit sobrang sakit talaga ng pamumulikat, kaya ganon nalang ang sunod-sunod kong pagmura sa isipan.






"Dalhin ka namin sa hospital, sobrang putla mo na." Suhistiyon ng tarantada kong kaibigan.






"Huwag na, okay lang ako. Hindi pa naman ako mamamatay." Natawa ako sa sarili kong sinabi.






"Sis..."






Ang pasigaw na boses ni Gabrielle nalang ang huli kong naulinigan. Isa ring mahigpit na palad ang huli kong naramdamang humawak sa akin bago pa dumilim ang paligid, saka ako bumagsak sa isang braso at tuluyan nang nawalan ng malay.






"Yllena."






Unti-unting dumilat ang mga mata ko. Nilibot ko ng tingin ang paligid, nakita ko si Gab na naka-upo sa paanan ng hinihigaan kong ward bed kasama si Aiden at Roi.






"Ang himbing ng tulog mo," tumatawang ani Aiden. "Pagod yarn."






Tumawa ako kahit na wala akong ideya sa mga pinagsasabi niya, kung bakit ako nandirito, kung bakit kakagising ko lang at nakaabang pa sila.






"Anong nangyari?" Bumangon ako at tinignan si Gabrielle. "Bakit ako nandito? Anong nang---"






"Na collapsed ka, nawalan ng malay." Sinagot kaagad ako ni Roi.






Nagtaka ako. Inisip ko agad ang mga nangyari kanina bago ako nawalan ng malay. Ang huli ko lang namang naalala ay 'yong nagkape kami sa isang café at pagkatapos sumakit nang todo ang puson ko.







"Ms. Lojera?" Isang babaeng doctor ang dumating.






"Po?" Tumango ako rito.






"According sa mga kaibigan mo kanina, nagkape ka raw bago sumakit ang puson mo?" Mahinanong sabi nito. "Tama ba?"






"Yes, Doc." Si Aiden ang sumagot.






"Hindi ikaw ang tinatanong," binatukan siya ni Roi. "Tumahimik ka."






"Isang baso lang naman 'yon, Doc." Humarap ulit ako sa doctor.






"Ms. Lojera, drinking coffee isn't advisable to do when you have a period. Ang pagkakape ay nagdudulot ng inflammation at bloating, that's why you had severe cramps earlier." Pagpapaliwanag nito sa akin.






"Pwede naman siyang e-discharge ngayon na, Doc?" Tanong ni Gab.






"Yes, pwede naman," tumango ang doctor saka tumingin sa akin. "Basta ang bilin ko sayo. Huwag gawin ang mga bawal kapag may dalaw. Okay?"

Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon