Kabanata 21

10 3 0
                                    

Ignored





"Red days mo ba ngayon?"






Mas lalong tumindig ang balahibo ko sa batok nang ibinulong 'yon sa akin ni Pao. Tila naging poste ako habang iniisip ang regular menstruation ko this month. Napakagat labi nalang akong sumakto ang iniisip kong date ngayon sa buwanan kong dalaw. Kaya pala sumakit ang puson ko kagabi.






"Patay." Pilit kong inuunat pababa ang laylayan ng soot kong top kahit na sobrang ikli.






"May tagos ka." Bulong sa akin ni Pao.






Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin gayong sobrang ikli pa naman ng soot kong pang-itaas, hindi natatakpan ang pwetan ko. Naupo nalang ako bigla. Gusto kong lumabas at umuwi pero hindi ko alam kung paano. Baka mapapansin ng mga taong may tagos ako.






"Eto oh." Napansin ko ang paghubad ni Pao ng soot niyang jacket. "Samahan na rin kitang umuwi nang makapagpalit ka."






Agad akong tumango at pumayag. Kinapalan ko na ang pagmumukha ko. Tumayo na ako at itinali ang brasuhan ng jacket sa bewang. Si Pao na ang nagpaalam kay tita at nauna na akong sinuyod ang espasyo palabas ng field.






"Hintayin mo'ko sa exit, Kayee. Kunin ko lang 'yong sasakyan sa parking lot." Sinunod ko na ang sinabi ni Pao at nagmamadaling tumungo ng labasan.






Naghintay pa ako ng mahigit dalawang minuto sa labas. Hindi rin kasi madali ang magmaniho dahil maging sasakyan ay nagsisiksikan din sa sobrang dami.






"Alright. What a heart diving performance. Again, let's give a round of applause for business department!"






Abot hanggang sa labas ng university ang sinasabi ng speaker, maging ang mga hiyawan at sigawan ng mga tao. Agad din namang nawala 'yon sa pandinig ko nang nakasakay na ako loob ng tinted at saradong sasakyan ni Pao.






"Dito ba liliko?" Wala itong ideya sa daan.






"Diyan sa pangalawang crossing." Atas ko naman.






Nagsilbi akong google map ni Paul. Ako ang nagtuturo sa kaniya kung saan dadaan at saan liliko. Hanggang sa dumating kami sa apartment. Bumaba agad ako at pumasok. Sumunod si Pao pero hanggang sala lang ito.






Nagpalit ako ng underwear tsaka naglagay ng pads. Nagbihis na rin ako ng damit. Pinalitan ko ang soot kong concise na top ng oversized t-shirt tsaka nagsoot ng mustard coloured hoodie. Nagpalit na rin ako ng denim na jeans.






Naging komportable rin ako pagkatapos kong magbihis. Lumabas ako ng kwarto. Nadatnan ko si Pao na nagbabasa ng magazine sa sala. Naka-upo ito at tila nag-eenjoy na pinagmamasdan ang kung anong merun sa hinahawakan niya.






"Tara," tinawag ko siya. "Okay na ba itong soot ko?"






"Okay na 'yan. Bagay nga sayo e." Tumayo ito at nakangiting lumapit sa akin. "Gumanda ka lalo."






"Parang sira," natatawa ko itong tinapik. "Syempre kwento mo 'yan, malamang bida ako diyan."






"Try mo ngang italukbong itong hood," Si Pao na ang gumawa kaya hinayaan ko nalang siyang ayusin ang hood ng jacket sa ulo ko. "Ayan, much better--"






Saglit kaming natahimik nang may narinig kaming nabasag sa labas, sa may bandang bintana. Lumabas kami para kumpirmahin 'yon, at may nabasag ngang flower pot.

Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon