Kabanata 25

5 1 0
                                    

Stalking

“Sumakay kana kasi, hindi mo ba ako naririnig?”

Tumatapat sa akin ang sasakyan ni Max. Kung gaano kalaki ang mga hakbang ko, ganon din ang bilis ng pagmamaniho niya. Hindi ako lumilingon at diretso lang ang mga mata sa dinadaanan.

“Yllena...”

His voice was like a pleading with anger. But I still didn't listen. I pretended to be a deaf. Pakiramdam ko hindi sapat ang aking tapang para umaktong normal lingid sa mga nangyari nung nakaraan. Parang wala akong sapat na kumpiyansa sa sarili para harapin siya.

“Sumakay ka o sasagasaan kita?”

It seems like I was stunned. Huminto ako at dahan-dahang kiniling ang leeg sa direksyon niya. Nakadungaw ito sa bukas na bintana ng kaniyang sasakyan. His dazzling eyes sighted me as it expresess unexplainable emotions, a show-stopper indeed.

“M-maglalakad ako.” Iniiwasan ko ang mga mata niya at nagsimula na namang maglakad.

“You don't,” he said with authority kaya napahinto na naman ako. “Basang basa ang dibdib mo, hindi kaba nahihiya?”

Kaya nga tinatakpan ko ng bag diba? Simpleng elaborate man lang hindi magawa.

I hemmed and cleared my throat. “Basta hindi ako sasakay.”

Nagmatigas ako. Hindi ako nakinig sa kaniya. Pakiramdam ko kasi, hindi sa ganon kabilis maging mabuti ang loob sa rito. Sa tagal niya akong inignore at hindi pinapansin, sa tingin niya ganon lang kadali ang pawiin ang sama ng loob ko? Isa pa itong pananaghili ko sa girlfriend niyang si Maurice, hindi rin sa ganon katulin ang  bait ko para sumunod nalang agad sa anumang sasabihin niya.

“Sumakay ka nga, Yllena. Maraming tao, nakatingin sa'yo. Sa dib--”

“Ayaw ko nga! Wala akong pake kung nakatingin sila. Basta ayaw kong sumakay sa'yo!” Singhal ko sa utos ng inip.

Kanina pa kasi buntot nang buntot sa akin. Hanggang ngayon namimilit pa rin. Huminto nalang ako at kina-usap ito nang harapan at singhalan. Paano ba naman kasi, hinarang ako ng sasakyan sa dinadaanan ko. Nagmamatigas na nga akong sumakay, siya namang pamumwersa niya. Nakakairita, paulit-ulit nalang.

“Sa sasakyan ka naman sasakay, hindi sa akin.” He chuckled.

“May nakakatawa dun?” Sumbat ko at pinagtaasan siya ng kilay. Wala na akong pake kung ma-ooffend siya, tinangay na ako ng galit na nararamdaman ko.

Parang natigilan siya ron sa sinabi ko, hindi naka-imik kaya sinamantala ko na ang pagkakataong umalis at iwan siya. It was just a piece of condiments, hindi pa kasali doon ang main ingredients. Kaya he better watch me out kapag nagluto na ako.

Mabilis ang mga hakbang ko kung kaya't agad akong nakarating sa apartment. Humugot ako ng malalim na hininga saka bumuga sa kawalan, nagbabakasakaling gumaan ang bigat na nararamdaman ko pero hindi pa rin pala sapat iyon. Tinapon ko ang bag sa sofa at pumasok na sa kwarto.

Nag shower ako. Nilinis ko ang naiwang dumi at amoy ng parang bulok na toyong pinaligo nila Rianne sa akin. Nagbihis naman ako pagkatapos. Hindi na ako bumalik pa sa university.

Lumabas ako ng kwarto at gumawa ng iced coffee. Sakto para sa mainit kong ulo. I wanted to appeased the temper I had. Naiinis ako kay Max, he gradually gave me this wrath.

Tumungo ako sa sala para doon magkape. Ngunit sa hindi inaasahan, nanigas ang bagang kong nadatnan si Max na naka-upo sa sofa. I never expect he’s still following me. He caught me glaring, and so I rolled my eyes to him. But it seems like he unnoticed those specks of mine.

Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon