Kabanata 22

14 3 0
                                    

Coffee





"Sigurado ka, Manang? Hindi umuwi riyan si Max?"






Kausap ko si Manang Rosana. Ang pag-aalala ko kay Max ang nag-udyok sa akin para tawagan ito. Para kumpirmahin kung umuwi ba doon sa bahay pero hindi naman raw. Mag 6:00 na ng gabi at hanggang ngayon ay hindi parin siya umuuwi rito sa apartment.






"Tawagan nalang kita o di kaya'y i-text kapag umuwi rito." Bilin ni Manang bago natapos ang tawagan namin.






Sinubukan ko ring tawagan si Max pero out of coverage ang cellphone nito. Maging si Jarvey ay hindi rin sinasagot ang mga tawag ko. Nag send to many na ako ng mga text messages pero hanggang ngayon hindi parin ako nakakatanggap ng reply ni isa.






Kanina pa namang mga alas 3:00 ng tanghali natapos ang football, dapat sana sa mga ganitong oras naka-uwi na siya. Hindi naman na 'yon nagpapakagabi ng uwi e, tapos ngayon alas 6:00 na hindi parin dumarating.






Nag-aalala na ako para sa kaniya. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko siya ma rereach out o mahahanap. Nauubusan na ako ng resources. Wala akong ideya kung paano ko siya hahanapin, lalo na ngayong bigla nalang sumama ang panahon.






Nakatingin lang ako sa labas sa transparent na bintana, naghihintay at nag-aabang sa pagdating ni Max. Umabot nang isang oras ang pagmamasid ko rito, pero hanggang ngayon kahit ni ilaw nalang ng sasakyan wala. Malakas pa naman ang ulan at hangin sa labas.






Hanggang sa tumunog ang calling tone ng cellphone ko. Inaasahan kong si Max iyon o di kaya ay si Manang o si Jarvey pero hindi. Number at pangalan ni Mommy ang nakatatak sa screen. Nag-aalinlangan pa akong sagutin ito dahil natatakot akong tanongin tungkol kay Max gayong hindi pa naman umuuwi.






"H-hello, Mom. Good evening." Binati ko ito.






"Saan ka, Yllena?" Boses ni Daddy ang humigit sa kabilang linya.






"S-sa b-bahay lang po." Nauutal kong sagot.






"I thought you're with your kuya at their victory party? They won the title again sa football league, diba? Akala ko ba kasama ka?"






Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Dad. Lumubay sa akin ang kanina ko pa pinapasan na kaba. Akala ko naman talaga kung saang planeta na si Max dinala.






"May victory party sila sa bahay ng coach nila, didn't you know?" Dagdag pa ni Dad.






"A-alam naman po," lumunok ako. "Kaso may hinahabol akong written works sa school e."






Nagsinungaling na naman ako. Ayaw ko kasing kahit sa ganong bagay pag-isipan nila si Max nang hindi maganda. Baka sabihin nila na masyado itong madamot sa akin sa party na 'yon kapag sinabi kong hindi ko alam kung nasaan siya.






"Tumawag siya sa amin kanina lang," si Mommy na naman ang nagsalita. "Ni live rin sa tv ang laro nila, your kuya is such a great player."






Pilit akong ngumiti para lang kahit sa tawag ay masilayan nila Mom at Dad na masaya rin ako sa panalo nila Max. Na natutuwa ako sa pagiging champion nila, kahit na naiisip ko ang dahilan kung bakit hindi ako pinapansin ni Max. Kaya naman pala parang hindi ako nakikita kanina sa labasan, dahil wala pala sa plano niya ang isama ako sa victory party nila.






Now I realized why he rejected my calls and messages for a hundred times. Well, it's still a good thing for me as I'm not a party-goer type of person. The only wrong was him, he's being selfish for something he thinks I was really into. Nagkakamali siya kung ganon, hindi naman ako kawalan kapag hindi ako makakapunta ng party nila, at isa pa hindi ako kasali sa victory na 'yon. It was their milestone and I'm out of it.

Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon