" Third round winner: Mash"
"Whooooooo! Nanalo din ang pambato namin!" Sigaw nina Manong Guard at Ate Amy na nakapagpangiti sakin. Hanggang ngayon e nakahiga padin ako dito sa pool. Sa hinaba ba naman ng nilangoy ko e pagod padin ako. Lahat na siguro ng stroke ay nagawa ko na. Si Louisse, hanggang ngayon wala padin. Naligaw na ata.
"Congrats Baby." napatingala ako sa nagsalita. Nakita ko si Creo na nakapants, shirt at sneakers. Aw. Cute. Nakahawak siya sa tuhod niya at nakatingin sakin.
"Haha! I told you, mananalo ako dito! Di ba? Di ba?" I told her while Im wiggling my eyebrows.
"Wag kang mayabang, pero Mash. I was thinking .. " uupo sana siya ng pigilan ko siya.
"Wag! Basa ako oh!" umupo ako at hinawakan ang braso niya.
Pero dahil matigas ang ulo niya, umupo padin siya.
"This is all stupid right?"
"Hm? Oo nga, pero pinaglalaban kita di ba?"
" I know, pero nakita ko na pagod kana. Bakit mo pinagpapatuloy?"
"Ano bayan! Sempre mahal kita."
"Tapos?"
"Tapos, mahal kita! Ano bang tanong yan."
"Pero bata pa tayo eh."
"And so?"Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Dont you have dreams Mash?"
"Meron, ikaw. Kaya nga sinusundan kita eh."
"Will you quit those pick up lines? Im serious!" pagkakasabi niya un e saka niya ako binatukan. "Aray! Napapano ka ba? Bakit? Hindi ka ba sure sakin ha?" tumayo ako at nagpamewang.
Tumayo din siya at nilagay ang kamay sa bewang."Sure ako sayo okay! What I mean is, pagod na ako sa paglalaban niyo ni Louisse. Obvious naman na ikaw ang pipiliin ko."
"Ako nga alam ko, pero ano ung arte mo kanina na mga bata pa tayo? Dami alam ah!"
"Stupid! Sempre bata pa tayo para ipaglaban mo ako."
"Eh sira ulo ka pala, wala sa edad yan, sa pagmamahal yan."
"Palala kana Mash."
"Ikaw nga dyan, may mga banat ka pang, dont you have dreams? Whooo, dami talaga alam!"
"Stupid! Stupid! Stupid!"
"Hahaha. Stupid, stupid! Mahal mo naman."
"Mayabang ka!" Lumapit siya sakin at tinampal ang noo ko.
"Aray! Pisikalan na ah!"
"You deserve that because you are stupid!" tumalikod siya sakin at humalukipkip.
"Dont you turn your back on me!" pag-eenglish ko sa kanya.
"I will turn my back on you, you look like a piglet!"
"Piglet your face Creo! You look like a .. beehive!"
"Beehive?" pagkakasabi nun ay binanatan niya ng tawa at humarap sakin. Naka-cross arms padin siya.
"Yes Beehive! Beehive."
"Oh sige, spell mo ngaaaaaa."
"Che! Ano naman makukuha ko pag inispell ko?" tanong ko sa kanya.
"Nothing."
"Nothing? Ay wag na! Mahihirapan pa ako. Para madali, you look like a dog nalang, mas madali pang i-spell."
Sukat nun ay tumawa siya."Kaya ka pala natalo sa math at sa english test."
"At bakit! Ano nanaman un?"
"Wala. Magbihis kana at baka malamigan ka pa." Tumalikod na siya sakin at nagsimulang maglakad. At dahil ako ay pilya, niyakap ko siya at tumalon kami sa pool. Yey! I did it.
"You are so stupid Mash!" sabi niya at pinaghahampas ako sa mukha.
"Aray! Ang baho muna kasi eh. Maligo ka naman. "
"Mabaho? Ikaw nga dyan! Magkakasakit ako nyan sayo eh."
"Sus. Mayaman ka naman, im sure kumpleto ka sa bakuna."
"Mayaman your face! Ikaw din naman ah!"
"Lul. Si Dad oo, pero ako hindi."
"Ganun na din un, anak ka nya eh. Bakit nga pala hindi ko nakikita Dad mo?"
"Gusto mo siyang makilala?" tanong ko sa kanya sabay hawi ng buhok niya sa tenga nya.
"Hm, sure. I mean, I want to meet other people related to you. Hindi ung puro ako lang." pagkakasabi nun ay pinitik niya ako sa noo. Kung hindi ba naman brutal!
"Dad's kinda busy always eh, Im sure hindi niya ako naalala."
"Why not? Your his daughter."
"Ha, ayaw ko kasi sa mga pinagkakasundo niya sakin mga boys. Kaya ayun, pero sustento niya naman ako, may other family na siya. Kaya I live on my own."
"Aw that's sad baby, but cool at the same time."
"Nagiging independent ako di ba?"
"Yes." Ngumiti siya sakin at hinawakan ang pisngi ko. "Dont worry, I will tell Lola na itigil na to. Cause obviously, im gonna choose you. Saka malapit na prom natin di ba?"
"Oo nga pala! Wala naman akong isusuot pa."
"Well, let's shop today."
"Pwede din. Uh, baby?"
"Yes?"
"Hindi ka ba magagalit kung for example .."
"What?" Tumaas na agad ang kilay niya.
"Na .."
"Na? Common Mashy, Im waiting."
"Na .. May .."
"Na ano?! Naiinis na ako sayo."
"Na may magyaya sakin na iba sa prom? For example, uh, prom date?" I smiled lightly.
Sukat nun ay di siya nagsalita, umahon siya sa pool at kumuha ng towel.
"Baby?"
Nag-dirty finger lang siya sakin.
"Hey! What did I do?"
Hindi siya lumingon sakin. Tuloy tuloy lang siya papasok ng bahay nila.
Siguro dapat hindi ko sinabi un. Stupid me!
"For what reason at nakasimangot ka?"
"Wala. Saka talo kana." Ismid ko kay Loiusse. Inirapan niya lang ako at umahon na sa pool.
"Congrats anyway. Eto lang ang mapapanalo mo. Believe me." Tumalikod na siya sakin matapos ang pagtataray niya.
Umahon nadin ako sa pool at nagtapis ng towel. Kailangan kong kausapin si Creo babyloves.
"Ate Amy, si Creo?"
"Nasa kwarto po."
"Sige salamat."
Kumatok ako sa pinto. "Baby, open up. Sorry."
"Shut up Marshlouie."
"Sorry na nga eh, tinanong lang naman kita."
"Yeah right. So kaya mo ko tinanong para magkaroon ka ng permiso galing sakin na napayag ako na may magyaya sayo. Ganun un nu?"
"Ugh! No. Im just asking lang naman."
"Oh well, then shut up. Hindi na ako aattend ng prom. Or better, I should cancel it. Tutal, owner ako ng school."
"Seriously Creo?"
"Oo Marshlouie. Seriously."
--
A/N hello. I know, i know its been a while since the last and Im sorry. Mejo busy talaga sa work. 5 more chapters and matatapos na ito. Salamat sa mga supporters :)
BINABASA MO ANG
Every Little Thing
Jugendliteratur" Weird Girl with a Weird Name .. " " Vampire yan ! " " Waaaah . Nakakatakot. " Yan ang madalas na naririnig ko pag dumadaan siya, si Creo Summers. Pero ung mga " flying " walk niya, ung EVIL STARE at ung mga HARD niyang sagot , I, Marshlouie Ramire...