CREO'S POV
Its weird. Kamukhang-kamukha niya si Trish. Lahat sa kanya. Maybe kambal sila?
Napaupo ako sa couch. Hindi ko maintindihan ang nararamdam ko towards Mash. Hindi ko alam kung gusto ko siya dahil siya si Mash or dahil nakikita ko si Trish sa kanya?
Trish.
Trish.
Trish.
Gaano na ba katagal? 2 years? 3 years? God, I miss her.
Trish Ramos, my very first love. Nakilala ko siya nung nag-aaral pa ako ng accounting sa ibang bansa.
Maganda, tagapag-mana din, mabait, makulit, pasaway ..
Hindi ko akalain na magkakagusto siya sakin. Na magiging kami, na mawawala din siya agad sakin.
She died because .. hindi niya sinabi sakin na may leukemia pala siya.
May mga araw na malakas siya, may mga araw, halos araw araw na mahina siya. Hanggang sa mawala na siya sakin. Nawala na lahat, ung ngiti ko, ung ako.
Umikot ang buhay ko sa kanya, inaamin ko. Akala ko wala ng pag-asa ang buhay ko. So I started to act weird, gave evil stares and never smiled.
Until Mash came. At sakto, kamukhang-kamukha niya si Trish.
I should think about this. I really should.
MASH'S POV
' Ano bang problema un? ' eksena ko sa shower. Hindi ko siya maintindihan. Dadali ng ganun, kinikilig na ako, biglang nag-walkout. Ano kaya un!
Nagsabon na ako ng katawan ko. Lalo ata na lumalalim ang pagmamahal ko kay Summers.
Sabi niya, tawagin ko daw siyang Creo. Lol. Ang hirap kaya nun. Di pa naman talaga kami close. Mga hinlalaki at ring finger ang layo ...
O sige na nga, hinlalaki at middle finger siguro.
Hinalikan na niya ako eh.
Napahawak tuloy ako sa lips ko.
Namimiss ko na agad ung feeling na naramdaman ko. Ung takot sa elevator, tas ung kilig na nararamdaman ko.
Naguguluhan na ako. Bakit kasi siya ganun e?
Binuksan ko na ung shower at magbanlaw na. Siguro inintay na niya ako. Ang weird at awkward kasi nung pakiramdam. Talagang naguguluhan ako. Leche.
May kumatok sa pinto.
' Bakit? '
Hindi sumagot ang langyang kumatok.
Naramdaman ko nalang na bumukas ang pinto.
' Ay anak ng pucha ! ' tinakpan ko ang harap ko. Ang baba ko. Pucha. Di ko matakpan! ' Napano ka Summers? Basta-basta ka nalang napasok. '
Hindi siya nagsalita. Lumakad siya papalapit sakin.
Bukas pa naman ung shower, so nabasa na ung robe niya.
' Huuuuy ! Napano ka ba? ' tanong ko, papalapit na siya sakin.
' I like you, okay? I like you! ' sabi niya hawak ang dalawang braso ko.
Di ako makapagsalita, ano ba kasi ang sasabihin ko. Nakahubad pa ako, may sabon pa ang katawan ko.
' I .. like .. you .. ' tumingin siya sakin. Umiiyak ba siya?
--
BINABASA MO ANG
Every Little Thing
Teen Fiction" Weird Girl with a Weird Name .. " " Vampire yan ! " " Waaaah . Nakakatakot. " Yan ang madalas na naririnig ko pag dumadaan siya, si Creo Summers. Pero ung mga " flying " walk niya, ung EVIL STARE at ung mga HARD niyang sagot , I, Marshlouie Ramire...