CHAPTER 1

74 3 2
                                    

Chapter 1:

Maingat kong ibinaba ang maletang hawak ko habang nakatingala sa gate na nasa harapan ko.

Gawa iyon sa kahoy... mataas at pinapalibutan ng nagtataasang puno. Malabo ring malaman kong ano ang nasa loob non dahil tila gawa rin sa metal ang ilang bahagi non.

"Kuya, tama ba 'tong binabaan mo sakin? Parang hindi tama 'to...... trabaho ang hinahanap ko hindi extra sa wrong turn," takang tanong ko sa mamang naghatid sakin ngunit wala akong natanggap na sagot at tanging pagharurot lamang ng sasakyan ang narinig ko.

Sinubukan kong maghanap ng signal pero wala akong mahanap.

Kinuha ko ang maliit na card na inabot sakin ng ginang kahapon at muling binasa ang address na nakasulat don.

276, Villa Teufel, Primejdios St. OS 121117

Muli kong tiningala ang napakataas na gate, umaasa na baka sakaling may makita akong paraan para makapasok. Sinubukan kong itulak ito, ngunit kahit isang pulgada ay hindi ko man lang naipagalaw.

Sinubukan ko ring maghanap ng pwedeng daanan pero masiyadong malawak ang pader kaya napagod na lang ako kakaikot dahil parang wala iyong katapusan.

Masyado ring matataas ang mga pader, halos abot na ng mga puno. Kaya imposibleng maaakyat ko sila.

Huminga ako nang malalim at sumubok sumigaw, umaasa na baka may makarinig sa akin mula sa kabila. Pero imbes na sagot, ang tanging narinig ko lang ay ang sariling boses ko pabalik.

"276, Villa Teufel, Primejdios St. OS 121117."

Hinawakan ko ang mga letrang nakaukit sa gate at sinuyod iyon gamit ang mga daliri ko.

Sobrang liit lang din ng mga letrang nakaukit doon kaya kung hindi mo titingnan ng mabuti ay hindi mo talaga makikita.

When I spotted a tiny circle on the side, I reached out to touch it without any second thoughts. As I was about to bring my face closer to get a better look, I suddenly felt a sharp, stinging pain.

Napatingin ako sa daliri ko at nakita kong nagdudugo ang hintuturot ko. Taka kong tiningnan ang tarangkahan at sandali iyong pinasadahan ng tingin nang makitang sandaling umilaw ang bilog na pinindot ko at ganon na lamang ang pag-uwang ng labi ko nang bigla iyong bumukas.

"Come in."

Hindi ko maiwasang sipatin ng masama ang guwardiyang tahimik lang na nakatayo sa tabi ng gate. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ng malapad na sumbrero pero sigurado akong may tinatago sya doon!

Naiiling na lang ako at nagtuloy-tuloy sa paglakad. Pero ilang metro pa lang ang nalalakad ko, parang gusto ko ng sumuko.

Yong daang tatahakin ko kasi mahaba, baku-bako, at walang kahit isang tao o sasakyan. Isang malawak na field lang ang nandodoon na tila walang katapusan.

Lumapit ulit ako sa guwardiya kahit may inis na bumubuo sa dibdib ko. "Kuya, wala bang pwedeng masakyan dito?" tanong ko.

Akala ko sasagot nya sya dahil bahagya nyang iniangat ang ulo nya pero imbes na sagot, isang mahina at matipid na iling lang ang nakuha ko mula sa kanya. Wala man lang kahit isang salita. Kaya halos hindi ko na alam kung magagalit ba ako o matatawa sa sitwasyon.

"Okay, fine," bulong ko sa sarili.

Napapikit ako sandali, pinipilit na kolektahin ang lakas ko bago abutin ang maleta at sinimulan ng lakarin ang mahabang daan hanggang sa hindi ko na namalayang unti-unti nang pinapalitan ng kadiliman ang langit na kanina'y kay liwa-liwanag pa.

Villa Teufel Where stories live. Discover now