CHAPTER 13

15 3 0
                                    

Chapter 13:

"Aya, Mayi say Hi."

"Hello, Mayi." sandali kong kinawayan ang manika ni Hell na nasa kama nya bago muling ibalik ang tingin sa kaniya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko pero umiling lang siya at umupo sa upuan. "Ba't dyan ka umupo? Bumalik ka sa kama mo."

Ngumuso siya at nilagay ang isang daliri sa bibig nya. "Shhhh, Mayi might hear us. She's not feeling well." sabi nito kaya napabuntong hininga na lang ako at napahilot sa noo ko.

These days, Hell isn't feeling great. Pero nagtataka ako dahil hindi pa rin ito gumagaling kahit na sagana naman siya sa gamot.

Palagi rin siyang binibisita ni Señora Dabria pero hindi ito nagtatagal sa loob.

Ewan ko ba, nandyan naman si Ahimoth para tulungan si Hell pero tila hindi ito nag-eexist sa kanila.

Napatingin ako sa mesa nya at napansing may pagkain doon.

"Kumain ka na? Sinong naghatid sayo ng pagkain?" tanong ko.

Ngumiti siya at nagkibit balikat. "I don't know his name, but we look exactly the same!"

The same?

Pinilit kong alalahanin kung sino kina Señorito Ahimoth at Thanatos ang kamukha ni Hell dahil 'his' daw so it means lalaki, pero hindi ko makompara kaya kinuha ko ang mga card nila sa bulsa ko at nilapag ang litrato ng dalawang Señorito sa mesa.

"Sino sa kanila?"

"Him!" tinuro nito ang litrato ni Señorito Thanatos kaya kumunot ang noo ko.

Magkamukha nga sila!

It's like, Hell is the mini and girl version of Thanatos.

Kung hindi ko alam ang info nila ay mapagkakamalan ko silang mag ama dahil carbon copy talaga. Ang mata at labi lamang ang naiiba.

"Do you know his name, Aya?"

"Oo naman, kapatid mo siya. Siya ang pang apat sa inyong magkakapatid at ikaw ang pang lima. His name is Thanatos. Lampas 18 years din ata ang tanda nya sayo. Kay laking agwat no?" pagpapakilala ko bago siya tingnan nang buong pagtataka. "Ngayon mo lang siya nakita?"

Tumango ito. "Yes, ngayon lang because all my life, I've only had Dabria and Ginang Mara by my side. They are always there for me. They're the only people I ever see in my whole life. But now, I've learned that I have other brothers and sisters besides Dabria. It's kind of surprising, but also really interesting. I'm curious about them and what they're like."

"Nako, dapat nga makilala mo na sila! Masarap sa feeling magkaroon ng kapatid." sabi ko bago ayusin ang ilang gamit na nagkalat.

Nakatulog na si Hell kakatanong tungkol sa mga kapatid nya. Lahat naman ng nalalaman ko ay kinwento ko. Ayokong ipagdamot iyon sa bata. Pati ba naman iyon ay ipagdadamot ko?

Lumabas na ako don at agad na napahinto nang makita kung sino ang nasa labas.

"Señora Dabria...." unti unting humina ang boses ko kaya namewang ito.

"What are you doing here, Amartya?" seryosong tanong niya. Sandaling bumaba ang tingin nito sa tray na hawak ko bago ako muling titigan. "Are you spying on me?"

"Hindi po, Señora."

Pilit nya akong dinidiin don kaya kinwento ko sa kaniya lahat. Kung paano ko natagpuan si Hell at kung ano mga naikwento nito sakin.

"Sinabi nya yon?" tanong niya kaya natango ako.

"Opo, Señora."

Napahilot siya sa noo niya. "Kumusta siya?"

Villa Teufel Where stories live. Discover now