Chapter 7:
Inis kong sinipa ang pinto ko nang makapasok sa silid ko. Pakiramdam ko, lahat ng galit ko napunta doon, but it didn’t help.
Frustration was still clawing at me. Parang kahit anong makita ko, gusto kong itapon, sirain, durugin. As if somehow breaking things would break the hold they had on me. Pero alam ko, it wouldn’t change anything.
Akala ko matatag ako. I thought my mind could endure all the horrors I had seen, that I could rise above it. Pero mali ako. Parang unti-unti na akong bumibigay.
Sobrang brutal nila.
Wala silang awa, ni walang pag aalinlangan.
They would break you, not just physically, but mentally, emotionally. They didn’t just inflict pain—they fed on it. And worse, they had the power to make you feel like you deserved it. Na para bang lahat ng sakit na ginawa nila, kasalanan mo. Na lahat ng iyon sanhi nang naging pagkilos mo.
Una, si Señora Dabria. She wasn’t just a predator—she was the devil hiding in plain sight. Akala ko nong una, siya ang pinakamatino at pinakamabait sa kanilang magkakapatid pero mali ako, kagaya lang din siya ng iba---- o baka mas malala pa.
Pangalawa, si Señorita Enma. I knew from the moment I met her that she was a demon. Yong nangyare sa party nya, yong babaeng kinawawa nila, yong tinrato nila na parang basura. That poor woman pinned down like prey. Hanggang ngayon rinig na rinig ko pa rin ang bawat iyak niya, ang bawat sigaw pati na rin ang mga hinaing niya. Maging ang tunog ng mga nababasag na baso't bote--- mga tawanan ng mga taong nandodoon sa tuwing nasasaktan nila ang babae. Lahat nasa isip ko pa rin.
Pangatlo, si Señorito Ahimoth. Just the thought of him makes me feel like I need to tear my skin off. Kung inaakala nyo malala na ang dalawang nauna, wait until you see what’s hidden inside Ahimoth’s mind. His 'hobby' wasn’t just disturbing—it was a nightmare brought to life. Maliban sa mga hayop, nangongolekta rin siya ng mga buhok ng babae, kuko, dugo---- mga impormasyong tungkol sa mga nabiktima niya. He was using them as his own experiments. Yong mga pattern sa albums, it looks like he's doing his own research basing women's behaviour, their professions, etc.
Nakakasuka.
Oo, nasabi na sakin ni Ginang Mara ang tungkol sa mga eksperimento niya pero tuwing naiisip ko ang bilang ng mga babaeng nabiktima niya, hindi ko maiwasang mag isip sa kung paanong paraan sila nakuha ni Señorito because---- yes, Ahimoth is handsome. Given na yon na papatulan siya ng mga kababaehan pero hindi ko lubos maisip na maging ang mga kababaehang may matataas na antas ay makukuha nya rin.
Panghuli, si Señorito Thanatos. I actually believed, for a moment, that he could help me, that he was different. But I should’ve known better. I should’ve known that monsters like them don’t breed kindness—they breed more monsters.
"Dabria!"
Agad akong napatayo nang marinig ang boses ni Señorita Enma. Lumapit ako sa bintana ng silid ko at sumilip sa labas.
Nakita ko roon si Señorita Dabria na nakatayo habang may hawak na payong habang si Enma naman ay masayang naliligo sa ulan.
It was already evening, so malaya silang nakakatagal sa labas.
Ilang minuto pa ay muli kong nakita ang dalawang guard kanina na may hila hilang babae. Wala ng buhay. Nakasuot ito ng pulang kasuotan kaya hindi ko napigilang mapaisip kung saan ko ba iyon nakita.
As I was about to give up, I saw Señorito Ahimoth. Lumapit ito sa dalawa at tinuro ang isang hukay kung saan agad na hinila ng mga guard ang katawan.
And I realized that was the girl na kasama niya sa taxidermy. Yong babaeng kalandian niya.
YOU ARE READING
Villa Teufel
Mystery / ThrillerAya enters Villa Teufel with only one goal in mind: to find her sister, Zaya. While working inside the villa, she stumbles upon a series of terrifying crimes. With danger lurking at every turn, Aya must unravel the mystery of the killer's identity b...