Chapter 10:
"Hindi pa rin ako makapaniwalang naggawa iyon ni Meng kay Ali. They are each other bestfriends, right?"
"No, they are not."
Napalingon ako kay Gael nang sabihin niya yon. Seryoso ang mukha nito habang nakatayo sa likod ko kung saan nakaupo ako sa damuhan at nakatingin sa kalangitan.
And he had that serious, cold expression again, the kind that makes you wonder what's really on his mind.
"If you're sharp at noticing how people behave, you'll see that they're not being genuine with each other, Aya." ulit nya pa kaya napatulala na lang ako.
Pagkatapos ng nangyare kanina ay halos hindi na maproseso ng maayos ang utak ko. Hindi ko kasi maiwasang makaramdam ng lungkot. Of all the people inside this villa, they are my closest friend since hindi naman nagkakalayo ang edad naming tatlo kaya halos hindi ako makapaniwala sa mga nangyare kanina.
And it turned out that Meng, who was supposed to be Ali's friend, was actually the one who killed her. To make the matters worse, she tried to pin the blame on her own bodyguard kaya pala ganoon na lamang ang mga naging reaksyon nito.
Ang mga letratong itinapon naman ni Señorita Enma ay naglalaman ng mga kuha kung paano itinago ni Meng ang ginamit na shovel na siyang ipunokpok niya sa ulo ni Ali. Meron pang letrato roon kung saan nakita si Meng na may dala dalang bag papasok ng gubat.
Hindi pa nakunteto si Señorita Enma dahil pinakita pa nito ang mga kuhang video sa CCTV kung saan kitang kita kung paano nya pukpokin at bitayin si Ali. Tinanong naman namin siya kung bakit nya ginawa yon at ang tanging sagot nya lamang ay....
"I had to pick over my heart and brain, and my brain told me to do that."
Hindi ko alam kung ano talagang ibig sabihin non kaya sana hindi yon kasama sa laro ng Villa dahil bigla na lamang nawala si Meng. It seemed like she vanished completely kasi lahat ng gamit niya ay naglaho din. Hindi ko naman naggawang itanong sa ibang kasambahay dahil sigurado akong wala rin silang sasabihin.
"What do you mean by that?" kuryusadong tanong ko.
"Jonnel and Edrian told me that they often seen the two fighting. Ang gubat ang palaging meeting place ng dalawa. I tried asking them both kung bakit nag aaway ang dalawa at ang sabi nila ay dahil daw sa lalaki." paliwanag niya.
Tumaas ang kilay ko sa narinig at muli siyang nilingon. "Dahil lang sa lalaki kaya naggawa nyang pumatay????"
"Oo," tumango siya at umupo rin sa gilid ko. "Sabi ni Jonnel, hindi na raw nagkakamabutihan ang dalawa mula noong pumasok silang dalawa dito. And when I asked Mama about it, she said..."
Before he could finish his sentence, a voice interrupted us from behind, sending a shiver down my spine. "Meng and Ali aren't just friends," Señorita Enma declared.
Nagkatinginan kami ni Gael at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo at marahang yumuko sa harap niya.
"Señorita...."
Ngumise siya at humalukipkip. "Dapat ay nagagalit ako ngayon kasi hindi nyo sinusunod ang rules ng Villa but yet here I am, feeding you more information. Isn't that ironic?" aniya kaya nagtinginan kami ni Gael. "Anyway, as I mentioned, they're not just friends. No, they're much more than that. They're sisters."
Nanlaki ang mga mata ko. "Kaya ba nasabi mong lalaki ang pinag-aawayan nila?" nilingon ko si Gael na agad namang tumango.
"Oo, dahil mayaman ang Ama nila at bago pa ito mamatay ay may mga naiwan itong ari-arian." sabi nito, napabuntong pa ito na tila na s-stress. "And they are both vying for the affection of their stepbrother, who now holds some of those assets."
YOU ARE READING
Villa Teufel
Mystery / ThrillerAya enters Villa Teufel with only one goal in mind: to find her sister, Zaya. While working inside the villa, she stumbles upon a series of terrifying crimes. With danger lurking at every turn, Aya must unravel the mystery of the killer's identity b...