Chapter 17:
"Gising na si Hell, Aya! Hinahanap ka niya."
Tumango ako kay Ginang Mara at agad na nilagyan ng pagkain ang tray na hawak.
Sigurado akong gutom na ang batang yon. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nagigising. Buti ngayon ay gising na.
Pagkatapos kong maayos ang tray ay umakyat na ko sa silid ni Hell. Agad na bumungad sakin ang apat na Bougaimoux kaya dahan dahan kong nilapag ang tray at niyukuan sila.
"Magandang gabi ho..."
"Good evening too, Aya," bati ni Señora Dabria bago umupo sa upuang nasa gilid ng kama ni Hell at naglabas ng ipad.
Si Señorita Enma naman ay matipid akong ngitian at inambahan ng isang baso ng alak. "Shot?"
Umiling ako bago tumingin kay Señorito Ahimoth na sandali akong pinasadahan ng tingin bago ibalik ang tingin sa chart at kay Nerine na kaharap niya.
Habang si Thanatos naman ay pasimpleng dumaan sa harap ko at binulungan ako. "Hey there, mousey."
Hindi ko siya pinansin at lumapit lamang kay Hell na nakatingin sakin. "Kumusta ang pakiramdam mo, Hell?"
"I'm now fine, Aya!" sagot niya bago yakapin ang manika niya. "Thanks to Mayi! She healed me."
Masama talaga ang pakiramdam ko sa manika na yon kaya tumango na lang ako at inabot ang tray para pakainin siya.
"Nagdala ako ng mga paborito mo....."
"Oh, there's a cupcake!" excited na aniya at kumuha ng cupcake sa tray. "Thanks, Aya!"
"No sweets, Hell," singit ni Ahimoth nang akmang isusubo na iyon ng bata. "Bawal ka muna sa matatamis ngayon... it can cause a sudden spike sa blood sugar mo, baka mahirapan ka."
"Can I just take a bite? Kahit isang kagat lang po?" nakasimangot na tanong ni Hell nang kunin ni Ahimoth ang cupcake sa kamay niya. "Aya bake that for me..... po."
"No, Hell."
Hell’s shoulders slumped as she watched Ahimoth place the cupcake back on the tray. "One bite lang po please,"
Umiling si Ahimoth at pinisil ang pisnge ng kapatid. "Hell, imagine your body is like a car. When you’ve been resting for a long time— like sleeping— your 'engine' hasn’t been working at full speed. If you suddenly give it a big rush of sugar, like a cupcake, it’s like pouring too much fuel all at once. The car might speed up too fast, then crash suddenly."
Napakurap kurap si Hell at mas lalong sumimangot. "So… kung kakain po ako ng sweets ngayon, magiging hyper lang ako, then I’ll feel bad?"
Tumango si Señorito Ahimoth. "Yes, Hell. Kapag kumain ka ng sobrang tamis, it causes a 'spike' sa blood sugar mo. Bibigyan ka nito ng mabilis na burst of energy— too quick, lalo na ngayon na galing ka sa pahinga and your body might not be ready for that, and it could make you feel dizzy, nauseous, or even weak."
"Your Kuya is correct, Hell, as always," sabi ni Nerine at nilapagan si Hell ng isang bowl na puno ng mga nahiwa ng prutas. "Right now, your body needs foods that give you energy slowly and steadily like these fruits. It’s like giving your engine just the right amount of fuel so it can start working at its own pace, without too much strain."
Napabuntong hininga na lamang ako at tinabi ang tray.
"I'm sorry po,"
"Sorry,"
Sabay na saad namin ni Hell kaya natawa si Enma at pumunta sa paanan ng kama. "It's okay, guys. Minsan mas masarap talagang gawin ang mga bagay na alam mong bawal---"
YOU ARE READING
Villa Teufel
Mystery / ThrillerAya enters Villa Teufel with only one goal in mind: to find her sister, Zaya. While working inside the villa, she stumbles upon a series of terrifying crimes. With danger lurking at every turn, Aya must unravel the mystery of the killer's identity b...