CHAPTER 4

24 5 0
                                    

Chapter 4:

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko.

Tumampad sakin ang isang lalaking may suot suot na salamin na kahawig ni Señorito Thanatos. They really look exactly the same. Ang pinagkaiba lang, mas soft ang feature niya tapos yong buhok niya... naka long curtain hair.

"Oh, it's nice seeing you alive after your hardcore moment inside my taxidermy," he said with a smirk playing on his lips. "By the way, I'm Ahimoth. You're the new maiden?"

Tumango ako at dahan-dahang umupo. "Nasan ako?"

"You're in my testing ground, lady," he replied, eyeing a chart.

Nilibot ko ang tingin ko at kuno't noo silang binalingan. "Anong testing ground?"

"A ground exclusively for my new experiments, new inventions, and lastly, for my new discoveries," inayos nito ang suot na salamin at nilagay ang dalawang kamay sa lab coat na suot. "Anyway, I have my room for my other business. Wanna join - "

"Stop it, Ahimoth, she's new." singit ni Señorito Thanatos na seryosong nakatingin samin habang nakasandal sa pader.

"I know, I'm just trying to test her if she'll get in my trap." saad ni Ahimoth bago ngumiti ng nakakaloko. "At totoo pala ang sabi ni Enma na matigas ang ulo ng baguhang ipinasok. Ang bilis nyang lumapit sa patibong."

Nahigit ko ang hininga ko nang marinig ang sinabi niya. Mabilis akong tumingin sa kaniya kaya nagtama ang mata naming dalawa.

"Remember the rule, Amartya?" malumanay na tanong niya na tila may halong pagbabanta. "Maging pipi't bulag. That was the one thing you were supposed to do. Ignore everything."

My mind went blank.

Napakurap ako ng ilang beses habang pilit na iniintindi ang lahat ng mga sinabi niya.

"You were warned, but you didn't listen. You let yourself see. You allowed yourself to care." dugtong nito habang palaki ng palaki ang ngise sa mukha. Halatang natutuwa sa nakikita. "Ni hindi mo man lang napansin na ikaw lamang ang kaisa isahang tao ang lumabas sa silid mo. Wala ni isang kasambahay ang lumabas, because they know the rule."

Muling sumikò sa isipan ko ang bawat detalye, ang paglabas ko mula sa silid ko, ang pagpasok ko sa taxidermy, ang mga mata na nakatitig sa akin mula sa bawat direksyon, ang mga patay na hayop na nakatiwangwang sa paligid, ang makapal na dugo, at ang ahas na pumulupot sakin.

"Señorito...." I muttered.

"You let the noise pull you in," ngumiti siya, at nang makita ang nanginginig kong mga kamay, ay bigla na lamang siyang tumawa ng malakas. "Thanatos, the taxidermy, the snake, they all distracted you. They made you feel something, didn't they? That was the trap, Amartya. And you walked right into it."

Agad akong napaupo at tiningnan si Thanatos sa gilid pero nakatalikod na ito sakin, at ang tanging tao lamang na malapit sakin ay si Ahimoth.

"Alam mo ba kung ilang tao na ang nahulog sa patibong na to? Marami na," aniya at nakangise akong tinaasan ng kamay na para bang tinatansya nya ang kabuoan ng katawan ko. "and now... unfortunately for you, you're one of them. You did not pass, Amartya."

Ang mga salita niya ay parang mga palaso na tumama sa akin, at ang tunog ng kanyang tinig ay parang isang malakas na plaka na paulit-ulit na umaabot sa mga tainga ko.

"You fell because you couldn't resist the pull of everything around you. This wasn't about strength, it was about control—over your mind, over your attention. You allowed the world to pull you in, to distract you, and in doing so... you lost."

Villa Teufel Where stories live. Discover now