CHAPTER 16

7 1 0
                                    

Chapter 16:

I was able to sleep so peacefully because there was nothing on my mind. Wala akong iniisip, walang bagay na kailangan asikasuhin. It's a rare kind of peace that I haven't felt in a while. And for an entire week, I had the freedom to just be. I was free from the tasks and missions that used to keep me on my toes. Being rank 3 gave me that precious week of rest- a gift I didn't expect, but a blessing that came at just the right time.

Pagbukas ko ng pinto ng silid ko, hindi ko inaasahan ang tanawing bumungad sa akin. Parang biglang huminto ang oras ko.

"My god," napatakip ako sa bibig ko nang tumampad sakin ang katawan ng tatlong kasambahay, nakahandusay sa malamig na sahig, bawat isa'y naliligo na sa sarili nilang dugo. Nakakalat ang pulang likido sa paligid nila, tumutulo sa mga gilid ng sahig, at ang amoy ng dugo ay matapang, nakakalula.

Napalunok ako, pakiramdam ko'y halos mabibiyak ang puso ko sa takot at pandidiri. Lahat sila, pamilyar ang mga mukha, sila yong mga nasa mababang ranggo kahapon pero ngayon... halos hindi ko na sila makilala.

Yung una, nakahiga sa sahig na parang wala nang saysay, ngunit ang pinaka-nakakagimbal ay ang itsura ng mukha niya- basag na basag, hindi na halos maipinta ang dati niyang anyo. Parang sinaktan siya nang walang awa, at ang bawat bahagi ng kanyang mukha ay punong-puno ng pasa at mga bakas ng matitinding hampas.

My eyes moved to the second body, nakadapa sa sahig, at ang likod niya'y may mahabang hiwa. Her skin was torn open, at kitang-kita ko na ang mga buto niya doon- walang natirang laman na nagtatakip. Each wound was deep, and I could almost feel the pain that she must have endured.

Then, I looked at the third one, and somehow, siya ang pinakamahirap tingnan. Nakamulat ang mga mata niya, staring straight at me, and I could see the frozen terror that lingered in them. Nakanganga siya, pero wala siyang dila---- putol ito, at ang paligid ng bibig niya ay puno ng dugo. Wala na rin siyang mga paa, ang natitirang bahagi ng binti niya duguan at putol-putol, like she had been a victim of something monstrous. Her wide, lifeless eyes seemed to plead for help that never came.

Nanlambot ang mga tuhod ko, halos hindi ako makahinga, parang ang buong katawan ko ay nawalan ng lakas sa takot. Napahawak ako sa pinto, nanginginig, pilit nilalabanan ang pagkahilo at ang pandidiri na halos hindi ko na kayang itago.

"Aya..."

A soft voice pulled me from my daze. I looked up, and there I saw Hell, just a few steps away from the bodies, her doll lying on the floor beside her feet.

Her small, frail figure looked hauntingly out of place in this place.

Nilapitan ko siya at agad na hinawakan sa kamay.

"Hell? Anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong ko. Lumingon lingon ako para tingnan kung may kasama siya pero siya lamang ang nag iisang tao sa hallway non.

Hell looked at me, her expression blank, void of fear or emotion. But before she could say anything, her body suddenly went limp, and she collapsed in my arms.

"Hell!"

Napaupo ako sa sahig nang maramdaman ang panlalamig ng katawan niya.

"Help! Tulong! May tao ba?!" sigaw ko pero alam kong maliit ang tsansang may makarinig sakin dahil umaga na.

Tulog na ang tatlong magkakapatid, habang ang ibang kasambahay ay nasa unang palapag na. Alam kong nasa dining na sila, marahil nag-aalmusal na't abala sa pag-uusap, malayo sa anuman ang nangyayari dito. Wala akong inaasahang tulong, pero hindi ko rin maiwasang sumigaw, magsumamo kahit alam kong walang tutugon.

Maya-maya'y nakarinig ako ng malalalim na yabag kaya napatingin ako sa gilid.

Isang matangkad na pigura ang huminto hindi kalayuan sa pwesto ko, tahimik siyang tumigil at tumitig sa akin. Ang tanging tunog na naririnig ko ay ang malamig na pag-ihip ng hangin mula sa bintana, at ang mga yabag niya kanina habang siya'y papalapit.

Villa Teufel Where stories live. Discover now