Chapter 5:
The days passed swiftly, and with each moment, unexpected events unfolded in rapid succession.
Pagkatapos nong trahedya kay Aling Dorie, parang wala man lang nagbago sa mansiyon. Life in the mansion went on as usual.
"Grabe! Ang init!" sambit ni Meng habang nasa labas kami at nakasilong sa ilalim ng puno ng mangga.
Habang si Ali naman ay naglapag ng isang telang tamang tama lang para higaan nilang dalawa.
"Aya, pinapatawag ka ni Ginang Mara!"
Mabilis kong tinanguan ang isang kasambahay bago magpaalam sa dalawa at nagmamadaling pumasok sa loob ng Mansyon. Hindi ko na nagawang magtanong kung bakit dahil alam kong mahalagang bagay naman iyon.
Pagpasok ko sa loob, agad akong sinalubong ng mabigat na titig ni Señorito Thanatos na siyang naka upo sa sala at nagkakape.
Tanging pagtitig lamang ang naigawad ko sa kaniya bago ko tahakin ang makitid na hallway patungo sa silid ni Ginang Mara. Habang tinatahak ko iyon, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga portrait ng mga nakalipas na may-ari ng Villa.
Lahat sila ay may mga titig na parang sinusundan ang mga galaw ko kaya mabilis kong ipinilig ang ulo ko, at pilit na tinatanggal ang anumang nararamdaman ko.
Nang makarating ako sa pinto ni Ginang Mara, huminga ako nang malalim bago marahang kumatok. Agad namang bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang malamig na boses ni Ginang Mara.
"Aya, ikaw pala ang naka-tokang maglinis ng taxidermy ni Señorito Ahimoth ngayon." hindi man lang niya inaalis ang tingin niya mula sa mga papeles na hawak niya nang sabihin iyon.
"Sige ho, Ginang Mara," ang tanging naisagot ko, sabay yuko. Napansin kong hindi na rin siya nag-abala pang magbigay ng dagdag na paliwanag kaya tumalikod na ko.
Pero bago pa man ako makalabas ng silid, muli siyang nagsalita, ngayon ay mas seryoso na ang tono. "Huwag kang magkakamali, Aya. Alam mo kung gaano kahalaga kay Señorito Ahimoth ang kanyang mga koleksyon. Kaya huwag na huwag kang gagawa ng isang kilos na ikakapahamak mo."
Tumango na lamang ako don at naglakad na patungo sa taxidermy. Nang makarating ako sa pinto ng silid, huminga muna ako nang malalim bago ito buksan.
Nang makita ang mga nagkalat na kagamitan, agad na bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyare sakin sa loob. Ang mga dugong nagkalat, ang mga mata sa garapon, ang ahas.... ang kabinet.
Napahawak ako sa braso kong nagkaroon ng mga pasa dahil sa pagtumba ng kabinet sa katawan ko. They were still visible, and I could still feel the pain inside.
"Focus, Aya."
Kinuha ko na ang basahan sa gilid at sinimulang maglinis ng dahan-dahan. Nang nasa kalagitnaan na ko ng paglilinis, bigla akong nakarinig ng isang mahinang kaluskos mula sa sulok ng silid kaya napatigil ako sa pagpunas.
"Concentrate, Aya," bulong ko sa sarili ko, pilit na tinatanggal ang takot sa dibdib ko. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.
Tumayo ako at hinanap ang tunog na iyon pero bago ko pa man nahanap, nabunggo ako sa isang kabinet na puno ng mga papeles. Nagkalat iyon sa sahig kaya kinuha ko iyon. After that, my eyes immediately spot a bulky folder. Out of curiosity, I opened it.
Bumungad sakin ang unang pahinang naglalaman ng isang hibla ng buhok, tuyong dugo, kuko--- lahat iyon nakadikit at sa baba non ay may pangalan ng isang babae.
YOU ARE READING
Villa Teufel
Mystery / ThrillerAya enters Villa Teufel with only one goal in mind: to find her sister, Zaya. While working inside the villa, she stumbles upon a series of terrifying crimes. With danger lurking at every turn, Aya must unravel the mystery of the killer's identity b...