Chapter 15:
"Tumayo lahat ng tatawagin," nakangiseng saad ni Señorito Ahimoth habang nakahawak sa isang papel na kinuha nya sa kahon. "Let's do some show."
The Maidens went silent. Ang ilan ay napatigil sa pagkain at itinabi na lamang ang mga plato. Para silang nawalan ng gana sa narinig kaya muli akong napatingin sa plato ko para i-distract ang sarili.
There's a chicken in there. Hinimay ko yon gamit ang kutsara't tinidor ko ngunit agad ding natigil nang makitang nagdudugo iyon.
"Anna..... Yviel, Larssesa, Lynn at Jona. You guys got the lowest rank." biglang anunsyo ni Señorito Ahimoth kaya napatingin ako sa harap. He was now holding a card, habang ang ilang mga kasambahay naman ay tila nagulat sa narinig kaya naman napatingin ako kay Jonah nang maihulog nito ang baso sa gulat. "Walang tatayo? Wala ba rito ang mga pangalang isinambit ko o gusto nyong ipakaladkad ko pa kayo?"
Mabilis na tumayo ang mga kasambahay na tinawag, maging si Jona na kanina pa iritable.
"Lahat pumunta sa harap ng aquarium," utos ni Ahimoth bago tumabi para bigyan ng espatyo ang lima sa harap ng aquarium. "Bilisan nyo----"
"Pano iyon nangyare, Señorito? Naggawa ko lahat ng ipinaggawa sakin!" biglang sigaw ni Jona kaya napatingin kami sa pwesto niya. She's raging with madness. Namumula na ang mukha nito na tila ba sasabog na.
Señorito Ahimoth’s lips curled into a faint, mocking smile. "Pumalpak ka, Jona." His words were cruelly soft, yet they struck like a whip. "You failed..... and failures like you deserve..... punishments."
Jonah opened her mouth to argue, but Señorito Ahimoth's cold gaze silenced her.
Muling natahimik ang buong hapagkainan. Tanging tunog ng kakaibang kaluskos na lamang ang naririnig namin. Hindi ko alam kung saan iyon pero pakiramdam ko ay nanggagaling iyon sa loob ng aquarium.
"Nerine, blindfolds!" Señorito Ahimoth snapped, and Nerine stepped forward. Wala itong emosyon sa mukha habang binibigyan ng itim na tela ang lima sa harap. "Suotin nyo yan."
Dahan-dahang itinaas nina Jona ang kanilang kamay para isuot ang blindfold, at kitang-kita ko ang bahagyang panginginig ng kanilang mga daliri. Nang tuluyang natakpan ang kanilang mga mata, walang kaabog-abog na hinila ni Señorito ang telang nakatakip sa aquarium, at doon ay sumambulat ang laman nito sa harapan namin.
Nanayo ang balahibo ko sa pandidiri nang tumampad samin ang sandamakmak na bulate doon. Lahat buhay, lahat gumagalaw.
Palihim akong tumingin sa mga kasama ko. Nakita ko ang ilan na namumula at halatang pinipigil ang pagsusuka. Ang iba'y napakagat-labi at nagpikit-mata, tila umaasang mawala ang tanawing nasa harapan nila. Pakiramdam ko may bumara na sa lalamunan ko dahil bawat segundo na tinitingnan ko ang mga bulate, parang lumalalim ang pagkadiri ko.
Sabi nila, minsan ang takot at pandidiri ay nasa isip lang, pero sa sandaling iyon, para bang buo-buong pumapasok sa isip ko ang bawat detalyeng nakikita ko.
"Ipasok nyo ang mga kamay nyo sa aquarium," Señorito Ahimoth said, a cruel smile creeping across his face. "Let’s see how brave you all are. Reach inside and guess what’s in there," he taunted. Mahina lang ang boses nito pero tila nanunuya.
Naging sunod sunuran ang mga mata namin nang ipinasok na ng lima ang mga kamay nila sa aquarium. The moment they put their hands deeper, naging aktibo ang paggalaw ng ilang mga bulate sa loob.
YOU ARE READING
Villa Teufel
Mystery / ThrillerAya enters Villa Teufel with only one goal in mind: to find her sister, Zaya. While working inside the villa, she stumbles upon a series of terrifying crimes. With danger lurking at every turn, Aya must unravel the mystery of the killer's identity b...