Chapter 9:
Pagdating namin sa boutique kung saan ako dinala ni Gael ay pumili na ako ng mga damit at ibang bagay na kakailanganin ko.
Gael even suggested na dalhin pa ko sa isang boutique para makapili ulit pero humindi na ako sa kaniya.
Okay na tong mga nabayaran nya.
"Sapat na ba talaga to?" tanong niya at itinaas ang mga paper bag na hawak.
Mabilis akong tumango at tumakbo papalapit sa pwesto nya. "Yep."
"Wala ka ng gustong bilhin?"
Umiling ako sa tanong niya at nginitian siya. "Wala na, okay na yan. Maraming salamat."
"Wehhh? Baka nahihiya ka lang ah." giit nya pa pero nagkibit balikat lang ako at tahimik na nakasunod sa kaniya.
Tamang dami lang ang binili ko dahil sa mahal ng mga presyo. Hindi naman nakakapaghinayang dahil maganda naman ang mga quality ng tela nya pero sa mga katulad kong mahirap at wala pang sweldo ay sayang ang pera.
"Upo ka muna don, MissMaam. May bibilhin lang ako." Tinuro nya ang isang bench sa gilid at nilapag ang mga paper bag.
Umupo rin ako don habang siya naman ay may pinuntahan. Naiwan tuloy akong nakatunganga sa mga taong may kaniya kaniyang mundo.
I can hear people laughing and chatting. It reminded me of how lively the world outside the villa, where everyone enjoying themselves. It felt like a place where people with a lot of money and power lived, and everything was carefully chosen to show off their status.
"Ice cream?"
Napatingin ako kay Gael nang may iniharap itong ice cream sa mukha ko. Dalawa ang hawak niya at magkaiba ang flavor non.
"Para sakin?" tanong ko kaya mabilis siyang tumango. "Thank you, pakidagdag na lang 'to sa utang ko."
Tumawa siya at mahinang pinitik ang noo ko. "Libre yan," aniya.
Tinaasan ko siya ng kilay kaya mas lalo syang natawa. "Bakit?" tanong niya.
"Seryoso ba? Malaking perwisyo na ang binigay ko sayo. Idagdag mo na lang sa utang ko."
Hindi kasi talaga ako sanay umutang. Kung hindi ko nga lang kailangan ng masusuot bukas at sa mga susunod na araw ay hindi ako lalapit sa kaniya.
"Ano ka ba, ice cream lang yan."
Parang wala lang sa kaniya nang sabihin nya yon. Parang hindi rin big deal sa kanya lahat ng nagastos namin kanina.
Kung sa bagay, malaki ang pa sweldo dito kaya sigurado akong malaki laki na ang naipon nya lalo na't wala naman syang mapapadalhan ng pera sa labas ng Villa dahil nandidito rin si Ginang Mara.
"Iniisip mo pa rin ba kung sino ang nanira ng gamit mo?" takang tanong nya.
Bumaba ang tingin ko sa ice cream at tumango. "Medyo. "
"May naging atraso ka na ba sa magkakapatid?" dahan dahan nya pang tanong na para bang iwas na iwas siyang kumpletuhin ang mga salita.
YOU ARE READING
Villa Teufel
Mystery / ThrillerAya enters Villa Teufel with only one goal in mind: to find her sister, Zaya. While working inside the villa, she stumbles upon a series of terrifying crimes. With danger lurking at every turn, Aya must unravel the mystery of the killer's identity b...