PROLOGUE

114 5 0
                                    

"Nakita mo na ba yung balita tungkol sa mga sakong itinapon sa ilog? Sabi nila, puro katawan daw ng tao laman non," sabi ng isang babae sa harap ko. I could feel her voice shaking

"Oo, kalat na 'yon sa bayan! Grabe, tadtad daw yong katawan. Tapos yong iba wala ng lamang loob, yong iba naman don wala ng ulo kaya hindi makilala!" saad naman nong katabi niya. Napansin kong napapapitlag pa siya habang nagku-kwento kaya binabaan ko ang volume ng phone ko para mas marinig sila.

Nakuha nila ang atensyon ko don. It was something I also wanted to hear. Yong mga sunod- sunod na pagkakatagpo sa mga hindi makilalang katawan... mga kulang na ang parte ng katawan, pinatay ng mabrutal.

"Sino kayang may gawa non?"

"Hindi ko alam, pero may mga tsismis na nagsasabi na baka raw galing sa Villa na nandoon sa taas!" sagot nong isang babae.

"G*ga, chismis na naman. Fake news yan! Puro mayayaman kaya yong naninirahan doon! Ang popogi't gaganda rin ng mga namamalagi!"

"Yon ang sabi sabi eh..."

Humilig ako sa bintana at napatingin sa labas.

Villa Teufel, iyan ang Villa na nasa taas ng kabundukan. Palagi iyong hiring for maid and guards, parang buwan buwan ata ay naghahanap. Nakatago iyon sa mata ng karamihan, pero kilala ng mga tao bilang isa sa mga pinakaprestihiyosong lugar sa bansa. Its a place that speaks of wealth and exclusively, a place where only the fortunate, or the powerful, could even think of reaching.

And even with all that wealth and exclusively, there's something about Villa Teufel that feels....... off.

"Ate, palimos po... pambili lang po ng pagkain,"

Napatingin ako sa batang lalaki na nasa harap ko. May karga karga itong batang babae na may hawak na baso. Sinubukan kong dumukot ng barya sa bulsa ko pero wala akong nakapa kaya inabot ko na lang sa kanila ang bitbit kong hamburger.

"Pasensya na, ayan lang ang meron ako." mahinang saad ko kaya umingos ito at hindi tinanggap ang pagkain. Tiningnan lang nila iyon ng masama.

"Ang kuripot mo naman teh pera kailangan ko eh!" reklamo nya bago ako taasan ng daliri. "Damot, mamatay ka na!"

Pinigilan ko ang sarili kong hablutin siya at isapak sa dingding ng bus. Siya na nga 'tong binigyan, sya pa may ganang magreklamo. May mga tao talagang hindi marunong makuntino.

Kaya hindi umuunlad ang bansa eh!

Nang huminto ang bus ay agaran akong lumabas. Sandali akong naglakad at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatayo sa isang punerarya at nagtitingin tingin na sa mga disenyo ng kabaong.

"Miss, magkano itong kulay pulang kabaong?" tanong ko sa saleswoman habang nakaturo sa isang kabaong.

It has elegant gold handles. It was beautiful, I couldn't deny that.

Tumingin sakin ang saleswoman at masuyo akong nginitian. "725, 000 po."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig at umiwas ng tingin.

Pitong daan at dalawampu't limang libong piso para lang sa isang kahon???

Tumango tango ako at muling inikot ang tingin. There were rows of coffins everywhere, in every shape and color, each one silently waiting for its occupant, someone who had died, someone who had given up.

Simple lang yong iba don, ang iba naman ay halos kuminang na sa mamahaling disenyo. And it made me wonder, para saan pa ang magarbong kabaong?

Does it really matter what we're laid to rest in? Is there a difference when our bodies have turned to dust, and we're nothing but a memory to those who remain? Anong silbi ng lahat ng ito kung sa dulo, lahat tayo'y nagiging isa lamang sa mga banga na itinatabi ng mga naiwan sa atin?

"May iba pa po ba kayong kailangan?" the saleswoman's voice brought me back to reality. Her polite smile never faltered, as if she had seen this existential crisis play out in so many others who had stood in my exact spot.

Umiling ako at nginitian siya. "Wala na, salamat," I replied, feeling like the walls were closing in on me.

I needed to get out, to breathe, but even the air outside felt too thin.

Lumabas na ko sa tindahan nila at naghanap ng iba kung saan mas makakamura, pero wala na kong mahanap. Everything was expensive. Everything felt too heavy.

"Gusto nyo ba ng trabahong malaki ang pa sweldo?!"

Kumunot ang noo ko sa narinig at napatingin sa mga taong nagkukumpulan. Curiosity got the better of me, and I found myself walking toward the crowd.

Nakita ko doon ang isang ginang na halos hindi na makita dahil sa dami ng taong lumalapit sa kaniya. She was promising something, something too good to be true, but it was enough to make people desperate.

I was just about to leave when our eyes unexpectedly met. Nanlaki ang mga mata niya at agad na isiniksik ang sarili para lapitan ako. There was a sense of urgency in her steps, like she had been waiting for me all along.

"Magandang umaga sayo. Gusto mo ba ng trabaho?" tanong nito kaya hindi ko maiwasang magtaka kung bakit sa dinami dami ng lumapit sa kaniya ay ako pa ang nilapitan at inalukan nya. "Naghihintay na ang Villa Teufel para sayo."

My heart skipped a beat at the name.

"Trabaho?" pag ulit ko.

The woman nodded, a small smile playing on her lips. "Oo, may kakaibang trabaho doon para sa'yo. Malaki ang bayad."

"Magkano?" I asked, my voice trembling slightly.

"Mas mataas pa sa inaakala mo," she replied, her smile growing as if she could sense my inner turmoil. "Sapat para mawala lahat ng problema mo."

Lahat ng problema.

Baka iyon mismo ang PROBLEMA?

I smirked....

My sister Zaya applied there 10 years ago.... and the funny thing is.... we never heard anything from her again.

Ten years.

No letters.

No calls.

Ni hindi man lang nagpakita.

Nong una, iniisip ko na baka sobrang busy niya lang talaga. Maybe the job demanded so much of her time. But then months turned into years and excuses stopped making sense.

No one could tell us anything. Lahat ng kasabayan niya non sa pagpasok ay hindi rin nakalabas. Wala na ring contact sa mga pamilya nila.

Its as if they disappeared. COMPLETELY.

"Tutuloy ka ba o hindi?"

Napatingin ako sa ginang at dahan dahang tumango. "Tutuloy....."

Kung ang pagpasok lang don ang kasagutan para sa mga tanong ko, gagawin ko.

Even if it means never coming back. Even if it means becoming one of the lost souls trapped inside.

Villa Teufel Where stories live. Discover now