Chapter 2:
Nagising ako dahil sa dami ng matang tila nakatitig sakin. Nang iminulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Ginang Mara kasama ang dalawang kasambahay na nasa gilid at may hawak na tray.
Agad ko ring naaninagan si Señora Dabria na inaayos ang itim na rosas sa vase na nasa mesa. Habang ang kapatid naman nitong si Señorita Enma ay naka upo sa pang isahang sofa na nasa gilid ng kama ko at nakatingin sakin.
Mataray ang mukha nito. Nakataas ang kilay niya kung kaya't nakakatakot siya tingnan. Hindi gaya ni Señora Dabria na may mahabang buhok, maikli naman ang buhok niya. Nasa balikat lamang. Medyo may kakapalan ang kilay niya, at matangos rin ang ilong niya... ang mga labi naman nya ay nangingitim na siyang ibinagay niya sa style ng pananamit niya.
She wore a black corset-style top with lace details, paired with a long flowing skirt. May mga accessory rin siya tulad ng chokers at silver rings sa katawan niya. Tapos ang makeup niya.... sobrang dark, sobrang bold.
"Well, well, well, look who's decided to wake up," she remarked, her voice dripping with dry humor. "Ang swerte mo dahil binuhay ka pa."
Napakurap kurap ako at mabilis na napa upo. "Pasensya na po..."
Señora Dabria waved off my apology dismissively. "Don't worry about it. Just make sure it doesn't happen again,"
"Talagang hindi na talaga." Enma's expression hardened as she addressed me. "Malubos kong ipinagbabawal ang mga taong pumapasok sa party ko ng walang inbestasyon, kaya sana matuto ka na," she declared, her tone brooking no argument. "Bago ka pa lang pero marunong ka ng mag gatecrash. You even made a scene. Dati ka bang artista or what?"
"Enma, ease up a bit. Bago pa lang si Aya dito kaya siguro ay naligaw siya at napunta sa party mo," singit ni Señora Dabria. Her tone is gentle but firm. "And as for what she witnessed, I'm sure she understands the importance of keeping it to herself, right?"
Napatango ako nang tumungin ito sakin na para bang pinapaalala nya sakin ang sinabi niya kahapon.
"Sigurado ka nang isisikreto nya?" tanong ni Enma habang matalim pa rin ang pagkakatitig sakin.
Tumango naman si Señora at nginitian ako. Ngiting may ibang mensaheng pinapahiwatig. "Of course, if she doesn't, what do you think will happen to her, Mara?" tanaong nito kay Ginang Mara na nakayuko sa gilid. "Ikwento mo, Mara. I'll give you a permission to do so."
Pagkatapos non ay lumabas na si Señora ng silid. Habang si Enma ay tinuro ang relo nya. "Tik tak, time is running, Mara." aniya at tumingin sakin. "Swerte mo dahil binibigyan pa kita ng isang pagkakataon para mabuhay dito," she said sternly. "But don't think this is a free pass. One more misstep, and you're out. Understand?"
Tumango ako kaya tumayo na rin siya at lumabas habang sina Ginang Mara naman ay mabilis na lumapit sakin.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo, Aya?"
"Maayos na po, Ginang Mara. Medyo kinabahan lang po," sabi ko at tiningnan siya. "Ano nga po pala yong pinapasabi ni Señora?"
Huminga siya ng malalim at hinawakan ang vase sa gilid para ilipat iyon ng pwesto. Sinenyasan nya rin ang kasamang kasambahay para lumabas kaya naiwan kaming dalawa.
"Mali ka ng lugar na pinagtrabahuan, Aya," malamig na saad niya habang dahan-dahang naupo. "Ang Villa na 'to ay hindi pangkaraniwan, gaya ng sinabi ni Señorita. Ang mga batas dito ay hindi basta sinusunod lang— sinasamba sila, Aya. At gaya ng bawat batas, may mabigat na parusa sa bawat paglabag."
YOU ARE READING
Villa Teufel
Mystery / ThrillerAya enters Villa Teufel with only one goal in mind: to find her sister, Zaya. While working inside the villa, she stumbles upon a series of terrifying crimes. With danger lurking at every turn, Aya must unravel the mystery of the killer's identity b...