CHAPTER 6

19 5 0
                                    

Chapter 6:

"Ilan sa inyo dito ay nakakatanggap na ng sulat, at batay sa mga pumapasok na sulat sakin, mas marami ng binawian ng buhay ngayon kumpara sa mga nakalipas na linggo." anunsyo ni Ginang Mara habang nasa hapagkainan kaming lahat.

Mabilis na bumaba ang tingin ko sa plato ko at hindi ko maiwasang magtaas ng kilay.

Right.

The game.

The others around the table shifted uncomfortably. Nagsimula na silang magbulungan ng mahina. I watched them out of the corner of my eye, they look so scared.

They were afraid, as they should be.

"How about the ranking, Ginang Mara? May update na ba tungkol don?" tanong ni Ali kaya tumango si Ginang Mara.

"Meron, pero hindi ko pa maisasawalat sa ngayon," saad nito bago maglakad ng kaunti. "Tapusin nyo na ang pagkain ninyo. Bibisita ang Señora Dabria maya maya."

Nagsitanguan kami at sabay sabay na napatingin sa orasan nang tumunog ito.

6am.

Naging mabilis ang pagkilos namin dahil don. Hindi naman kasi masiyadong dumadalaw si Señora sa hapagkainan, unless something was about to happen.

And it was never good.

"Maidens,"

Agad na tumuon ang atensyon ko kay Señora Dabria nang pumasok ito sa hapagkainan. Her voice was smooth, almost like velvet, but underneath it was something darker, like a predator purring before it strikes.

Nakasuot na naman ito ng itim na kasuotan. Everything is black, maging ang kulay ng lipstick na gamit nito ay kulay itim din.

Her eyes scanned the room like a predator surveying its prey. Ilang minuto niya ring ginawa iyon bago pumunta sa centro ng mesa kung saan kami nakaupo. Pumitik ito ng isang beses sa ere kaya may dalawang guard na pumasok. May bitbit itong itim na kabaong na kaagad nilang nilapag sa mesa.

"Isa na naman ang nawala sa inyo," Señora Dabria walked slowly to the coffin, her fingers tracing its edges. Isa isa kami nitong tiningnan nang walang emosyon sa mukha. 

Nobody moved. Nobody spoke.

Lahat kami nakatingin lang din sa kaniya. Nakatingin kami sa kaniya sa paraan kung paano niya kami titigan.

"Buksan nyo," utos nito sa dalawa.

Kaagad na ginawa ng dalawang guard ang iniutos niya, and as soon as the coffin opened, everyone’s faces turned pale.

"Oh my god," napatakip sa bibig ang isang kasambahay na kaharap ko at pilit na pinigilan ang sariling masuka dahil sa nakita. "L-Luis."

Muli akong napatingin sa bangkay na tila pagkaing iniaalay sa harap namin.

It was a man, lifeless.

His eyes were wide open, nakatitig sa kisame as if they were frozen in his last moment of terror. His body was drenched in blood, sugatan at halos hindi na makilala. Puno rin iyon ng hiwa na para bang paulit ulit itong dinampihan ng blade o kung ano mang matulis na bagay.

His fingers were also… missing. Wala na ring tenga.

Napakagat-labi ako at napakuyom sa kamao ko.

Tangina.

"Kanina ko pa pinapanood ang lahat ng kilos niyo," saad bigla ni Señora Dabria sa gitna nang pananahimik namin. Her lips curved in a cruel smile as she leaned forward. "And today, one of you will join him."

Villa Teufel Where stories live. Discover now