UNO

303 13 4
                                    

THE BIGGEST TASK

***

“HANGGANG KAILAN mo planong titigan iyang scroll na hawak mo?” Reissa has been rolling out her eyes for the past five minutes, fortunately, it hasn’t fallen off from their sockets yet.

“Ember, nakikinig ka ba? Seriously, your lips are going to stay that way forever, stretched out ear to ear.”

“Hey, Ember, kinakausap kita!”

“Ember!” sigaw ni Reissa, dahilan upang makuha niya na rin sa wakas ang atensyon nito.

“Hmm? May kailangan ka ba?” mahinang tanong nito. The question appeared so innocent as though she hasn’t been slipping off for the past five minutes.

Sa huling pagkakataon ay umirap muli si Reissa. “Do you want me to nail the corner of your lips so it stays grinning forever?”

“Ano bang mga pinagsasasabi mo riyan?”

“Eh, kanina ka pa nakatitig diyan sa scroll na iyan. Tila ba naka-glue na ’yong mga mata mo sa papel at hindi na maalis-alis.”

“Dahil sobrang saya ko! Puwede bang hayaan mo muna akong magsaya?” Ngumiti ng malawak si Ember. Ang kanyang kulay berdeng mga mata ay kumikislap sa kagalakan.

“Limang minuto ka ng nakatutok sa scroll. Alam kong matagal mo ng pinangarap na magkaroon ng audience sa prinsesa. Halata naman sa mga mata mo na sobrang saya mo sa balitang natanggap, pero kailangan mo ng kumilos. Marami ka pang kailangan ihanda.”

Si Ember Androna ay isang Fae guardian, at sa kaharian ng Alkiro kung saan nakatira sina Reissa at Ember ay matatawag na isang malaking prebilihiyo ang matanggap sa Guardianship. Dahil ang lahat ng mga miyembro nito ay makatatanggap ng malalaking sahod at higit sa lahat ay titira sila sa isang malawak na subdibisyon malapit lamang sa palasyo.

Sila kasi ang mga magiging tagabantay o elite warrior ng kaharian. At ang magiging pinakamalakas na mandirigma ang siyang magkakaroon ng tiyansa na mapili bilang personal na tagabantay ng prinsesa.

At ito ang dahilan ng kagalakan ni Ember. Maaga siyang nagising sa araw na ito para gampanan ang kanyang tungkulin bilang tagabantay ng Southern Border. Kakatapos niya pa lang kumain ng agahan nang biglang dumating sa kanyang tahanan si Reissa, ang kaibigan niyang elf, dala-dala ang isang maliit na scroll.

*** MENSAHE MULA SA HENERAL NG GUARDIANSHIP ***

Maligayang araw sa’yo, Ember Androna. Ang mensaheng ito ay nakalaan para ikaw ay magbigyang alam sa panibagong posisyon na iyong gaganapan bilang isang mandirigma sa kaharian ng Alkiro. Bilang isa sa mga pinakamalakas at makapangyarihang mandirigma ng Guardianship, ikaw ay pinaanyayahan ng mahal na hari at reyna na magiging susunod na personal na tagabantay ng mahal na prinsesa.

Ang iyong serbisyo ay kinakailangan na.

***

Iyon lamang ang nakasulat sa scroll. Isang mensahe kung saan siya ay napili na bilang magiging personal na tagabantay ng mahal na prinsesa. Buong buhay niyang pinangarap na maging malapit sa prinsesa. Nagsanay siya simula no’ng kabataan niya, nag-aral pa muna siya ng maraming spell at iba’t-ibang uri ng mahika bago siya nag-enroll sa Guardianship Academy.

Matataas halos lahat ng kanyang mga marka dahil nais niya talagang masiguro ang kanyang posisyon--- ang maging qualified bilang tagabantay ng mahal na prinsesa.

At sa araw na ito ay matutupad na ang kanyang kahilingan. Magiging malapit na siya sa prinsesa, makikilala niya na rin sa wakas ang babaeng matagal niya ng iniidolo.

“Nariyan na ba lahat ng mga gamit na kakailanganin mo?” tanong ni Reissa habang sinusuri ang kanyang malaking bag.

“Kompleto na siguro iyan. Isa pa, kung may kailangan ako ay maaari naman kitang tawagan ano man ang oras para ibigay sa’kin ang mga nakalimutan ko.”

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon