VEINTIUNO

56 5 0
                                    

WHEN YOU SEE THE PAST IN YOUR PRESENT

***

PINUNTAHAN NGA NI Heneral Matro si Ember sa kanyang tahanan matapos marinig ang sinabi ng keyholder. May duda na kaagad siya na si Ember ang salarin sa likod ng nasirang spell. Ito lang din naman ang may saktong kakayahan para gawin ito.

Tatlong beses pa siyang kumatok sa pintuan nito. Nagulat na si Matro sa naging bungad sa kanya sa akademya, ngunit mas nanlaki ang kanyang mata nang pagbuksan siya ng mahal na prinsesa imbis na si Ember.

“Mahal na prinsesa! Ano pong ginagawa ninyo rito? Kay aga naman po ng inyong pagbisita rito.” Naalala niya kasing nagkulong na naman ito sa silid kahapon matapos ang agahan at hindi na nila ito nakita buong araw. Pupuntahan niya na sana ito nang makatanggap naman siya ng balita mula sa akademya.

“Heneral Matro? Anong ginagawa mo rito?” boses ni Ember mula sa likuran ng prinsesa ang pumukaw sa atensyon ng heneral.

“Uh, E-Ember, ikaw a-anong ginagawa mo rito?” bulalas ng heneral.

“Dito ako nakatira, heneral,” pagod nitong sagot.

“Ah.” He clicked his tongue. He thoughtfully nodded his head, his glances landing to and fro from Ember to the princess. Bigla ay hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Ano na ba ang nangyayari sa kanyang paligid?

“General?”

He snapped back. “Yes, Your Majesty?” He soon realised his mistake and covered his mouth. Fortunately, Princess Talvi didn’t pay much importance to it. “P-pasensya na po!”

Humalukipkip lamang ang prinsesa. “Ipagluluto lang kita ng agahan.” Natungo rin ito sa kusina.

“May kailangan ka ba, Heneral Matro?”

Dahil maliit lang ang bahay ni Ember ay nakikita pa rin ni Matro ang prinsesa habang naghahanda ito ng mga gagamiting sangkap na lulutuin. Hindi pa rin magawang tuldokan ni Matro ang kanyang mga nakikita. Naguguluhan siya, nalilito sa mga nangyayari. May mga bagay siyang nais itanong ngunit hindi niya alam kung papaano ito gawin ng hindi nagagalit ang reyna. Hindi rin nakakatulong ang pagtrato ni Errielle sa nangyayari na tila ba isang normal na kaganapan lamang ito.

Nang ulitin ng reyna ang kanyang tanong sa ikalawang pagkakataon ay saka lamang nakasagot si Matro. Naibulalas niya kaagad ang nangyari. “Bakit mo sinira ang protection barrier ng akademya?”

Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata kung paano natigilan si Prinsesa Talvi. Samantala, normal pa rin ang ekspresyon ni Errielle. Humalukipkip muna ito bago sumagot:

“Oo. Ako nga ang may kasalanan nito. We got locked in so I had to destroy it for us to leave.” Napakakalmado ng pananalita nito na para bang isang ordinaryo o normal na bagay lang ang ginawa nito.

Samantala, pakiramdam ni Matro ay sasabog na ang kanyang isipan. Naipilig niya ang kanyang ulo. “'We'? Sino po ang kasama ninyo?”

It seemed that the Fae Queen wasn’t still fully conscious of her words when she had indirectly given Matro a clue. Pilit ngumiti si Ember para ipakita sa heneral na isang normal pa rin na usapan ang gaganap sa pagitan nila. Dahil maging si Talvi kasi na nakikinig sa kusina ay natigilan sa pangalawang pagkakataon.

“Importante pa ba ’yon? Sasabihin ko rin sa’yo ’to ngayong araw.” Hindi na ito makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. “Tutulong na lamang ako na ibalik muli ang barrier. M-masyadong mahina ang barrier na ginawa ninyo. G-gumawa na lamang tayo ng mas matibay.”

Napapatango na lamang si Matro sa mga sinabi ni Ember. He is too gullible to not believe in Errielle’s unconvincing explanation. Napasulyap siya sa prinsesa ngunit naging abala na ito sa ginagawa.

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon