TREINTA Y UNO

75 6 0
                                    

“IT’S ALWAYS BEEN YOU.”

***

ERRIELLE LEAPS INTO the air and unleashes her majestic wings and lunges herself in a brisk straight for Mirra. Her swords are lifted, ready to strike down her former lover.

Ngunit matalas din ang pandama ni Mirra at naramdaman niya kaagad ang paparating na presensya ng fae queen. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin para salubungin ito mula sa ere. Nanatili lamang siyang nakatayo sa kanyang kinaroroonan, at naroroon pa rin sa kanyang mga labi ang kanyang pilyang ngiti. Samantalang ang kanyang mga pinuno ay isa-isa ng humakbang paatras at lumayo.

“Your Majesty, above you!” Lord Firkos warned.

Errielle delivered an overhead strike upon her landing but Mirra parried it so easily and without sweat with her blade. The fae queen’s feet never touched the ground as their swords collided and clashes against one another.

Malalakas ang mga atakeng natatanggap ni Mirra dahil binibigay lahat ni Errielle ang kanyang lakas sa bawat pagbayo niya ng kanyang espada. Mas binilisan pa ng fae queen ang galaw ng kanyang mga braso, sunod-sunod ang pagdating ng kanyang mga espada dahil ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang kalaban na makagawa ng atake.

Ngunit para bang nasisiyahan pa si Mirra sa labanan nila ni Errielle ngayon. Hindi pa rin nabubura ang kanyang ngiti, dahilan upang mas lalong mainis si Errielle dahil pakiramdam niya ay minamaliit lamang siya ni Mirra. But Mirra effortlessly parried every single attack from Errielle without even moving from her position.

Errielle used the element of ice, she froze both of Mirra’s arms, turning them immobile. But as she was about to strike her down, her sword shredded upon making contact with Mirra’s body.

“What?” Napaatras ang fae queen. Sa wakas ay lumapat na sa lupa ang kanyang mga paa. Naglaho ang kanyang espada mula sa kanyang kamay. Napaangat siya ng tingin kay Pinunong Firkos at muli ay nagliliwanag ang kanyang mga mata.

“Don’t interfere,” Errielle warned.

“I believe I can’t do that.”

“Lord Firkos, you’re spoiling my fun,” intervened Mirra.

“Pero, kamahalan---” pinutol ito ni Mirra nang basagin niya ang yelong bumabalot sa kanyang mga braso.

“Wala kang dapat ipag-alala, Firkos. Isa lang sa aming dalawa ang matitira sa labanang ito... at ako iyon,” may lakas ng luob na saad ni Mirra.

“Tumulong na kayo. Nakikipaglaban na ang mga hari,” utos pa nito sa mga pinuno. Pero bago sila tuluyang makaalis ay binalaan muna sila ni Mirra, “Kahit anong mangyari at huwag kayong makikialam sa laban namin.”

“M-masusunod po.”

Nang tuluyan na silang makaalis para sumali sa digmaan ay muling binalingan ni Mirra ang kapwa niya reyna.

“Ang laki na ng iyong pinagbago mo simula no’ng huling laban natin,” kumento ni Mirra. Naipilig niya ang kanyang ulo. “Pinaghandaan mo ba ito ng mabuti? Ang iyong mga mandirigma sa akademya ay labis na naghanda para sa iyong pagbabalik. Everyone waited for your return, and even if it took them already for hundreds of years, their fate didn’t falter. Saan ba talaga nagtago si Errielle Taneisha? At bakit ngayon ka lamang muling nagpakita?”

“Ang daming mong sinasabi!” Errielle lunges once more. Their blades clash for the second time.

Sa pagkakataong ito ay gumalaw na rin si Mirra mula sa kanyang kinatatayuan. At maging sa gitna ng kanilang labanan ay walang tigil na pinaglalaruan niya ang puso at isipan ng fae queen. She continues to mock her and tease her.

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon