CATORCE

69 5 0
                                    

JEALOUS PRINCESS

***

PRINCESS TALVI INSISTED on taking care of Ember, pushing everyone away that would dare and touch her. Maging si Klaud ay hindi nito pinalagpas. Kaya no’ng pangalawang araw ni Talvi sa tahanan ni Ember ay pinagsabihan kaagad siya nito na huwag ng pabalikin si Klaud kung ayaw niyang ito mismo ang gagawa para sa kanya. Kaya walang ibang pinagpilian si Ember.

Naawa nga siya kay Klaud at nahiya rin siya sa kanyang ginawa. Para kasing lumalabas na ginamit niya lamang ito. Pero mabuti na lamang at mas nag-uumapaw pa sa pagiging maintindihin si Klaud kumpara sa prinsesa. Hindi na nga ito muling nagpakita sa kanya matapos niya itong pagsabihan.

Pero isa sa mga kakaibang bagay na napansin ni Ember simula nang alagaan siya ng prinsesa ay ang labis na bilis na paghilom ng karamihan sa mga sugat niya. Gabi-gabi tinatanong siya ni Reissa kung nagising niya na ba ang kanyang nakatagong kapangyarihan ngunit pareho lamang ang kanyang sagot:

“Hindi pa rin. At isa pa, mararamdaman ko kung nagising ko na nga ito.”

“Pero paano ito nangyayari ngayon sa’yo? Humans don’t self-heal, Errielle.”

May parehong tanong din si Ember sa kanyang isipan. Hindi niya rin alam kung papaano ito nangyayari sa kanya. Though she loves it when Talvi takes care of her, she is saddened to say that it might be ending soon.

Tanghaling tapat iyon nang biglang ipatawag si Prinsesa Talvi sa palasyo. General Matro escorted her back. Mag-isa lamang si Ember sa kanyang tahanan. Magpapahinga na sana siya sa sopa nang makarinig siya ng katok.

“Ang bilis niya namang nakabalik,” mungkahi niya sa sarili. Pinagbuksan ito ni Ember. “Ang bilis mo naman atang--- oh, it’s you. Princess Nandie.” She lowered her head.

The fairy princess smiled. “I think I should be the one to do that... Your Majesty, Queen Errielle.”

“Kailan mo pa nalaman?” tanong kaagad ni Ember nang maupo silang dalawa.

“No’ng araw na mahawakan ko ang iyong kamay habang nasa karwahe tayo. Naaalala mo pa ang araw na ’yon?”

--- * ---

“Ember.” She snapped back when Princess Nandie held her hand. Saglit pa nitong pinagmasdan ang kanyang kamay habang marahang hinahaplos ng hinlalaki nito ang likuran ng kanyang palad.

“Is everything okay, Nandie?” said Princess Stellar.

The fairy princess just smiled. “It’s nothing. I just remembered something.”

--- * ---

Naalala nga ni Ember. Pero paano nito nalaman na siya ang reyna? Oo at may kakayahan ang mga fairy na maramdaman ang kapangyarihang taglay ng ibang nilalang ngunit sa kanyang mortal na situwasyon ay wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika lamang. Nabasa na ng prinsesa ang kanyang isipan kaya sinagot na siya nito:

“I have the gift to see a glimpse of someone’s past. Not entirely but rather my vision just tells me the most crucial and most important detail about their true identity.”

“And what did you see when you hold my hand?” Ember inquires.

“I saw a crown and the majestic wings that only the Fae Goddess possesses.”

Napatulala si Ember. Awtomatiko ang pagbabalik sa kanyang isipan ng dati niyang imahe. Malalaki nga ang kanyang mga pakpak. Mas malaki pa sa normal na laki na pakpak ng mga fae at fairy. Her transparent-like wings had a green glow around the edges. They always sparkle and glitter whenever they come in contact with the sun and any form of a luminous object. Her waist-length wavy golden brown hair would always wave behind her back as she dominates the sky.

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon