VEINTIDÓS

52 6 0
                                    

BEAST OF LOVE

***

“MIRRA!”

NAPAKO SI Ember sa kanyang kinatatayuan nang maaniag niya rin ng maayos ang mukha ng nilalang sa luob ng kuweba. Hindi siya maaaring magkamali. Siya nga. Siya na nga ang matagal niya ng hinahanap!

“Mirra, kaya tagal kitang hinanap,” naluluhang tugon ni Ember sa dating minamahal.

Nanghihina man ang kanyang mga tuhod ay sinikap niyang igalaw ang mga ito para makalikha ng isang hakbang. Tila ba sobrang bigat ng kanyang mga binti dahil halos igapang niya na ang kanyang mga paa para lamang umusad.

“Ang tagal kitang hinanap. At alam ko. Naniwala ako na balang araw ay pagtatagpuin din tayo ng tadhana.”

Nanatili lamang na nakatayo ang dalagitang si Mirra sa kanyang kinatatayuan. Hindi man lang nabahiran ng kaunting emosyon ang kanyang dilaw na mga mata. Nagmistula itong estatwa sa kanyang posisyon. Suot pa rin nito ang parehong damit no’ng araw na lumisan siya sa piling ni Errielle.

Nakapasok na si Ember sa kuweba. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa dalagita nang bigla naman itong umatras, dahilan upang matigilan din si Ember.

“M-Mirra, anong problema? A-ako ito. Hindi mo na ba ako natatandaan?” Mariing napalunok ang mandirigma.

Umiling lamang ang dalagita bilang sagot. “Paano mo nalaman ang aking pangalan? Sino ka?” Kasing lamig ng hanging umiikot sa labas ng kuweba ang boses nito.

Napaayos naman ng tayo si Ember. Tama nga ang kanyang hinala. Hindi na siya makikilala ng dating minamahal dulot ng kanyang kasalukuyang hitsura. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Hindi mo ba ako kilala? It’s me...” sinadya niyang huwag ituloy ang sasabihin.

Alam niyang sa isang sambit lamang ng kanyang totoong pangalan ay tiyak na hindi ito magdadalawang isip na atakihin siya.

“Sino? Bakit hindi mo ituloy ang iyong sasabihin?”

Ilang sandali pa bago siya makaisip ng sasabihin. “Kaibigan ako ni Errielle.”

Mirra froze for a moment or two before suddenly lunging towards Ember. Sa lakas ng impak ay nakalabas silang dalawa sa kuweba. Bumagsak si Ember sa lupa habang nakasaklang naman sa kanya si Mirra, may hawak na patalim na natutok sa kanyang leeg.

“Kilala mo ang babaeng iyon? Nasaan siya? Nasaan siya! Sabihin mo kung ayaw mong patayin kita ngayon!” may diin ang bawat salita nito. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa patalim. Ember felt the blade’s coldness underneath her throat, slowly pressing against her skin.

“Sabihin mo kung nasaan siya!” muling sigaw nito, nag-uumapaw sa galit ang mga mata nito.

“Bakit?” usal ng mandirigma sa mahinang boses.

“Bakit? Dahil pinatay niya ako!” Isang mainit na likido ang pumatak sa pisngi ni Ember. Kasunod nito ay ang mahinang pagsinghot ng dalagita. “Pinatay niya ako. Pagkatapos ko siyang pagkatiwalaan ay tatraydurin niya pala ako.”

“M-Mirra...”

“Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Pagsisisihan niya ang ginawa niya!”

“M-Mirra, m-makinig ka--- hinding-hindi iyon gagawin ni Errielle sa’yo.”

“Manahimik ka! Wala kang alam sa mga nangyari! Kaya sabihin mo na kung nasaan siya dahil papatayin ko siya! Pagbabayaran niya ang kanyang ginawa!” Her yellow eyes were set ablaze, flames engulfed them as her fangs begins to emerge.

“M-Mirra, s-sandali---”

Sa isang iglap ay kumalat ang apoy mula sa mga mata ng dalagita patungo sa buong katawan niya. Ember was compelled to blast her away using her magic to evade her flames.

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon