VEINTISÉIS

57 6 0
                                    

HER ONE GREAT LOVE

***

“YOU KNOW WHAT I want, Errielle. You know the very thing that I want,” Naught added, the mischievous grin never parting her lips as she grabs her glass and took a sip.

Isang malakas na buntonghininga ang kumawala sa bibig ni Ember. Napaiwas siya ng tingin sa kapatid. Deep inside her, she knows the very desire of her sister, perhaps, asking her made her hope Naught would give her a different answer, that her desire could have changed since it’s been hundreds of years.

Pero sino nga naman ang may kagustuhan na makulong sa sarili nilang tahanan? Nanumbalik na ata sa kanya ang ginawa niya sa kanyang kapatid noon. Hindi niya aakalaing pagdudusahan niya rin iyon balang araw.

“Pinagsisisihan mo na siguro ngayon ang iyong ginawa noon,” saad pa ni Naught. Kalmado lamang itong kumakain na ngayon samantalang hindi pa rin nagagalaw nina Ember at Mirra ang kanilang mga plato. “Don’t blame yourself too hard, dear sister. Hindi naman ako nagtatanim galit. Nais ko lang na makita ulit ang mundo. Kung anong mga bagay na ang nagbago. I can always send my punishments to those naughty beings around the world but since my imprisonment, my power grew weak and I was no longer able to make them witness the wrath of the true famine.”

She sighed and added a sarcastic remark, “Being imprisoned in your home by your own sister is truly devastating. Kaya hindi mo ako maaaring sisihin kung bakit hindi kita natulungan noon.”

Ember scoffed violently. “Even if you had the chance I know you still won’t leave your precious throne and help your sister.”

“Iyon ay dahil hindi ako direktang konektado sa problema mo. The Chimera never messed with my famine. I hold no grudges against her. Pero isipin mo kapatid,” tumigil muna ito sandali at napatitig kay Ember. Naroroon na naman sa mga labi nito ang mapaglarong ngiti.

“Ilang daang taong nagdusa ang mga nilalang sa Igniess. Marami ang nawalan at marami ang nagluksa dahil sa halimaw na ’yon.” Sumulyap pa ito kay Mirra. “She terrorized every village, town, kingdom and empire. She was almost invincible against everyone, except for you, of course. It’s almost as if fate had already decided to make you both the nemesis of each other.”

Samantala, napapayuko na lamang ang dalagita sa mga sinasabi ng goddess. Wala siyang karapatan na umapela o magreklamo dahil may katotohanan ang lahat ng mga sinasabi nito. Wala siyang ibang iniisip noon kung hindi ang magdulot ng lagim sa mga nilalang. Ang kanyang nasasakupan na mga demonyo mula sa impeyerno ay walang ibang ginusto kung hindi ang umakyat sa mundong ibabaw at manghila ng maraming kaluluwa. Chaos, ruins and destruction is what she’s always wanted.

But upon receiving kindness from her own nemesis--- her mind began to change.

“Bakit ba nais mong wasakin ang ating mundo? Bakit ang lalim ng pagkahumaling mo sa paninira at pagpatay ng mga inosenteng nilalang?” minsang tanong sa kanyang ni Errielle, bago pa man magsimula ang kanilang pagmamahalan.

Hindi kaagad sumagot si Mirra noon. Bigla ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Bakit nga ba? Bakit nga ba kinakailangan niyang wasakin ang kanilang mundo?

Dahil ba siya ay isang pinuno ng kasamaan at kadiliman kaya kinakailangan niya itong gawin?

Why do the leaders and rulers of darkness have to show everyone that they’re more powerful?

Naputol lamang ang pag-iisip ni Mirra nang muling magsalita si Naught. “When you found her that night, what did you see?”

Hindi sumagot si Ember kaya nagpatuloy si Naught, “Nakita mo ba ang isang inosenteng babae at hindi ang halimaw? Nagkaroon ka ba kaagad ng matinding konsensya nang iyong mapag-alaman na ang iyong matagal ng kinakalaban ay isang inosenteng babae lang pala? Dito ba nagbago ang lahat sa’yo, Errielle? Because the Errielle I used to know would never spare a child knowing what they did.

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon