DIECINUEVE

53 5 0
                                    

EMBER VS. ERRIELLE

***

ALAM NI KIRO na hindi ito ang totoong reyna ng mga fae kaya bakit nagdadalawang isip siya ngayon na atakihin ito? Hindi katulad kanina na purong kulay puting papel lamang ang kulay nito dahil ngayon ay ginamitan na ito ng ikaapat na pinuno ng ibang kulay.

Nagmistula ngang ang totoong reyna ang kanyang kaharap ngayon, ang pinagka-iba lamang ay gawa lang ito sa papel. Pero kahit gano’n ang pinagmulan nito ay hindi maipagkakailang taglay rin nito ang kakaibang lakas ng reyna ng mga fae. Mabuti na lamang ay wala itong taglay na kapangyarihan.

Errielle lunges onto him and delivered a full-blown strike with her sword. Kiro deflected it with great instinct and retreats to a distance. His forehead created deep creases that display his fury for Lord Seal for tarnishing the queen’s image.

“Anong problema, kamahalan? Hindi mo ba kayang labanan ang reyna?” may pang-iinis na usal nito.

Mas lalong humigpit ang hawak ni Kiro sa kanyang armas nang paulanan siya ni Errielle ng walang humpay na atake. Matindi ang puwersang natatanggap niya sa tuwing sasalagin niya ang bawat atake nito. Napapaatras na siya dahil dito at kahit anong pilit niya ay hindi niya kayang saktan ang Fae Goddess.

‘Blast this!’

Kiro retreated a little bit to create room for his counterattack. He twirled his lance at the queen’s blade and had it hurled away to distance before backing up further.

‘Hindi ko siya kayang kalabanin!’

Ngunit kahit wala itong armas ay muli pa rin itong sumugod sa hari. Errielle is also known to be good in combat skills and was identified to be a physically strong woman. Walang ibang napagpilian ang hari kung hindi labanan ito ng patas. He made his lance disappear into thin air and reflectively evaded the queen’s strong fists.

“Your Majesty, listen to me! We are not your enemy! We are your ally!” sigaw niya rito habang iniiwasan ang mga suntok at sipa ng reyna.

Isang malakas na tawa naman ang kumawala sa bibig ni Pinunong Seal. “Hindi ka niya maririnig, kamahalan. Dahil hindi naman siya ang totoong reyna. Sa akin lamang sila nakikinig dahil ako ang lumikha sa kanila.”

“Labanan mo ako ng patas!” singhal naman ng hari. “Isa kang duwag para gamitin ang reyna laban sa’kin!”

“Iyon nga ang mas nagpapasaya sa labanang ito.”

Nagsumikap man si Haring Kiro ngunit sa huli ay hindi niya na rin natumbasan ang bilis ng reyna. She made an overhead kick which the king dodges but when her feet became too fast for him to evade, he was finally hit in the chin, sending him flying away.

However, he stood back up despite the nagging pain on his chin, his head is unfortunately feeling a bit lighter. Muli siyang sinugod ng reyna. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na siya nakakailag ng maayos. Ilang beses siyang natamaan ng mga suntok at sipa nito. Hindi namamalayan ng mahal na hari na dinadala na pala siya ng reyna kung saan tumilapon ang espada nito.

Binigyan siyang muli ng reyna ng isang malakas na suntok sa sikmura. Namilipit sa sakit ang hari, sapo ang kanyang tiyan habang napapahulod sa lupa. Sinambot ng reyna ang kanyang espada at handa na sana nitong hiwain ang hari nang biglang panibagong espada ang tumama rito dahilan upang muli itong mahulog sa lupa.

“Anong nangyayari, kamahalan? Bakit ka nagpapadala sa panloloko ng salamangkerong ito?” saad ng isang boses.

Fortunately, Ember and the others arrived just in time to save the king from being beheaded.

“S-sino kayo?” takang tanong ng mahal na hari.

“Mamaya na kami magpapaliwanag. Umalis na muna tayo rito. Siya na ang bahala sa kalaban.” Nilapitan ni Reissa ang hari para tulungan itong makatayo at ilayo roon.

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon