VEINTINUEVE

52 4 0
                                    

THE FAE QUEEN’S RETURN

***

AFTER GENERAL MATRO created two caskets for the king and queen, they then proceeded to the meeting hall to discuss their plan.

“This is a most unbelievable occurrence,” blurted the dwarven king, “I have never once thought of you to become mortal.”

“I apologise on our Elders’ behalf,” intervened General Matro, “we failed to protect her tomb.”

“Walang ibang maaaring sisihin kung hindi kaming mga taga Fourth Kingdom. Dahil sa digmaan namin noon laban sa mga orc ay nasira namin ang kanyang libingan. Kaya humihingi na kami ngayon ng tawad sa inyo, kamahalan.”

“Walang magagawa ang inyong pagsisisihan ngayon,” sumingit na si Naught. “Kesa ang sisishin ninyo ang inyong mga sarili ang mabuti pa ay pag-usapan na ninyo kung ano ang inyong gagawin sa digmaang ito. Hinahanap na ngayon ng mga guardian ang Lost Relic. Kaya habang abala sila ay abalahin na rin ninyo ang inyong mga sarili sa paghahanda.”

Hindi pa rin sanay ang mga ito sa hitsura ni Naught. Hindi kasi inakala ng lahat na may kakambal pala si Errielle. Nalaman na rin nila ang buong kuwento dahil sa salaysay ni Heneral Matro. At no’ng atakihin pala ng mga Arkion ang iba’t-ibang panig ng Igniess ay sinabi na ni Prinsesa Nandie sa kanyang ama ang patungkol kay Ember.

“My queen,” said the dwarf king, “our forces have been trained and morphed well for this very moment. Handa na ang aming mga mandirigma.”

“Matagal na ring naging handa ang aming mga mandirigma, kamahalan,” singit naman ng fairy king. “Ang iyong pagbabalik na lamang ang aming hinihintay.”

“Ang mga fae sa buong panig ng Igniess ay alam na rin ang iyong pagbabalik. Naghihintay na lamang sila sa iyong kautusan,” saad naman ni Prinsesa Nandie.

Hindi ganitong situwasyon ang nasa isipan ni Ember sa kanyang pagbabalik. Hindi niya ginustong harapin ang mga ito sa kanyang mortal na pagkatao ngunit nang marinig niya ang kanilang walang humpay na suporta ay nabuhayan siya ng luob.

“Maraming salamat sa inyong lahat at sa walang tigil ninyong paghihintay sa’kin. Alam kong nabigo ko ang karamihan sa inyo dahil sa pagiging mortal ko. Umaasa kayo malamang dahil sa aking pagbabalik ay may tiwala na kayo na mananaig tayo.” Saglit siyang tumigil at napayuko. “Sa totoo lang ay hindi ko pa rin alam kung papaano ko muling babawi ang aking kapangyarihan ngunit pinapangako ko sa inyo na hindi ko hahayaang masakop ng kadiliman ang ating mundo. Hindi ko bibiguin ang walang sawa ninyong pagtitiwala sa’kin.”

“Wala rin kami ngayon kung hindi dahil sa inyo, kamalahan,” mahinang saad ni Haring La Sieve.

Ember thinly smiled before she continued, “Have you all taken your people to safety already?”

“We did, my queen,” informed the king of the Second Elven Kingdom, “matitibay ang mga barrier na ginawa namin para protektahan sila ngunit hanggang dalawang oras lamang ang kaya nilang itagal bago ito mawawalan ng bisa.”

“But we have stationed each one three wizards or witches to recreate the barrier,” said the king of the Fourth Kingdom.

“Siguraduhin lang ninyo na maglalagay kayo ng sapat na mga mandirigma para protektahan sila,” saad ni Ember. Tumango naman ang mga ito. “Habang nasa isla kami na pagmamay-ari ng aking kakambal ay napag-alaman namin na lumikha pala ng mga prototype ang mga Arkion.”

Saglit muna siyang tumigil para lumunok bago magpatuloy, “A-ang Chimera na aking nakalaban sa bayan ng Retton ay may taglay na regeneration. It healed itself instantly that all my attacks were proven futile. Pero no’ng nag-away ang dalawang Chimera sa isla; ang prototype at ang orihinal, napansin ko na hindi naghilom ang mga sugat ng orihinal na Chimera na dinulot ng prototype.”

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon