DIECISÉIS

61 6 0
                                    

INTERRUPTION

***

ISANG MAGARBONG KISAME ang bumungad sa paggising ni Ember. Umiikot pa ng kaunti ang kanyang paningin ngunit naglaho rin ito matapos ang ilang segundo. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Yakap-yakap niya ang kumot sa kanyang dibdib. Inangat niya ito ng kaunti para silipin ang kanyang katawan at laking pasasalamat niya dahil may saplot pala siya. Bahagyang umuga ang kama kaya napasulyap siya sa kanyang katabi.

Parehong saya at kaba ang kanyang nararamdaman ng magahip ng kanyang mga mata ang maamong mukha ni Talvi sa kanyang tabi. The warm sensation of redness flushed through her cheeks when she fixated her eyes on her and begins to recall what happened last. night. Unknowingly, a smile was drawn on her lips.

“May nakakatawa ba?” Napukaw ang isipan ni Ember nang magsalita ang prinsesa.

“Gising ka na pala.”

Kumunot ang noo nito. “Kanina pa ako nakamulat.”

“H-hindi ko napansin.”

“Hindi mo napansin pero kanina ka pa nakatitig sa mukha ko.” Isang pilyang ngiti ang biglang sumilay sa mga labi nito. “Alam ko naman na may kagandahan ako kaya naiintindihan ko ang iyong paghanga.”

Nanlaki ang mga mata ni Ember pero tinawanan lamang siya ng prinsesa bago ito bumangon.

“I never took for a taciturn to declare those words.”

“Well, I have many more surprises in me.” Talvi drew a bit close and took Ember’s lips. Ember had to pull away before their moment deepens. Moreover, she can’t be seen leaving the princess’ chamber.

“Maghahanda lang ako. Sabihin mo lang kung may kailangan ka,” saad ni Ember habang nakatayo sa may pintuan.

Nakatitig lang sa kanya ang prinsesa. Nakagat nito ang pang-ibabang labi na para bang inaakit na naman nito si Ember. Pero hindi na nagpadala ang tagabantay at napatawa na lamang ito ng mahina.

“I won’t be gone for long.”

“I want us to take a bath together,” she directly uttered.

Ember nearly stumbled though she has only been standing there. Napalunok ng mariin ang tagabantay. Kung ano-anong mga bagay na naman ang pumapasok sa isipan ng prinsesa. Siguro dulot lamang ito ng pagkagutom. Ganitong mga oras din kasi kumakain ng agahan ang mahal na prinsesa.

“Kamahalan, sa tingin ko ay oras na para kumain na kayo ng agahan.” No’ng mga panahon niya bilang si Reyna Errielle ay hindi niya hinahayaan na malipasan ng kain ang kanyang mga nasasakupan. Their economy was great back then and it was constantly improving and rising.

Pero isang simangot ang sinukli ng prinsesa sa kanyang naging sagot. “Do you think my sanity level’s flopped?”

Ang bilis ng naging kilos nito. Para bang nilipad nito ang distansya sa pagitan ng kama nito at ng pintuan dahil nakarating kaagad ito sa harapan nito Ember. She pinned her on the wall, both her walls enclosing Ember in the middle.

“And what did I tell you about addressing me formally?”

Ember didn’t even have time to think when Talvi decisively bit her lower lip. Nasapo kaagad ng tagabantay ang kanyang bibig.

“That hurt.”

Talvi replied with a menacing grin before retreating from Ember. A triumphant physiognomy did her face form.

“Wait for me in your room.”

Kahit nahihirapan ay sinikap niyang tumango bilang tugon, hindi niya pa rin inaalis ang kanyang palad sa kanyang bibig. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makalabas na siya sa silid ng prinsesa. Napasandal pa siya sa nakasarado nitong pintuan habang binabawi ang kanyang lakas nang isang boses ang gumulat sa kanya. Kamuntikan niya pa itong magamitan ng mahika.

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon