TRECE

86 6 2
                                    

RED LIPS

***

DULOT NG GULAT ay napalakas ang tulak ni Ember sa prinsesa. Mabuti na lamang ay pareho silang dalawa na nakaupo sa sopa.

“Why did you do that?” complained the princess, she was covering her lips. Ember may have accidentally slapped them when she pushed her away.

Humingi na lamang ng paumanhin si Ember at inayos ang pagkakaupo. Mabuti na lamang at hindi natanggal ang tela sa kanyang paa kaya siya na nag-ayos nito para taliin.

“Why would you even draw your face when you didn’t even want to kiss me?”

Ember was stilled. Hindi niya napansin na siya pala ang unang lumapit. Bakit niya naman ginawa iyon? Kung hinayaan niya na lang sana ang prinsesa na hindi tumingin sa kanya ay hindi ito mangyayari ngayon. It would seem that she only made the situation more awkward. The air flowing through the open window marked Ember’s uneasiness when she felt a shivering coldness in her spine.

Nang hindi nakapagsalita kaagad si Ember ay ang prinsesa na mismo ang bumasag sa katahimikan nila.

“May gusto ka bang sabihin sa’kin?” Nanatiling tikom ang bibig ni Ember. Maging ang tingnan ito sa mata ay hindi niya magawa. Talvi vents a tiring sigh and continued, “If you’re not ready to talk then I’ll just sit right here and keep you company.”

“Why would you do that?” Nilingon niya na ito. Talvi was crossing her arms over her chest while leaning comfortably on the sofa, her head lying on the crest rail.

Dahan-dahan bumaling ang ulo nito kay Ember nang hindi ginagalaw ang kanyang posisyon. “Para bumawi sa mga araw na hindi ako nakabisita sa’yo.” Umayos na ito ng upo at mariin siyang tinitigan sa mata. “Galit ka ba sa’kin?”

“Bakit naman ako magagalit sa’yo?”

“Dahil halos tatlong linggo rin akong hindi nagpakita sa’yo. Sinisisi mo malamang ako sa nangyari sa’yo dahil kung hindi ako biglang umalis ay hindi mo sana hinarap ng mag-isa ang Chimera. Bad things always happen when people leave me without saying goodbye. And now, I’ve caused you harm. Can you forgive me?”

Napaiwas ng tingin si Ember. Hindi naman pumasok sa isipan ni Ember na sisihin ang prinsesa. Kahit na hindi ito umalis ay may tungkulin pa rin siya na labanan ang halimaw. Siya dapat ang nagtatanong kung galit pa ba ito sa kanya dahil matapos ang kanyang laban ay ngayon lamang sila nagkausap muli.

“Ikaw ba, mahal na prinsesa, galit ka pa rin ba sa’kin?”

Si Talvi naman ngayon ang natigilan sa tanong niya. “Bakit naman ako magagalit sa’yo?”

“Dahil umalis ako sa palasyo nang hindi nagpapaalam sa’yo. Nalaman ko rin na ikaw pala ang nagbigay ng kautusan na dalhin na lamang ako pabalik sa bahay ko.”

Ilang sandali pa nitong sinuri ang kanyang mukha bago sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito. “Iyon ay dahil nais kong ako mismo ang mag-aalaga sa’yo, hindi ang mga katulong sa palasyo at ang mga kasamahan mo. I want us to be alone together. Pasensya ka na kung ngayon lamang ako nakarating sa’yo. Ayaw kasi akong palabasin ni Matro ng palasyo.”

Nahugot ni Ember ang kanyang hininga. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman sa mga sinabi ng prinsesa. Nag-tatalo ang kanyang puso at isipan. Her heart wants her to be happy but her mind tells her not to be deceived by a mere human’s flattery. Isa pa, isang malaking pagtataksil din ang kanyang magagawa.

Pero paano niya pa ba lalabanan ang kanyang puso kung tuluyan na nga itong nabihag ng mahal na prinsesa? Dahil nang hawakan nito ang kanyang kamay ay labis na nagwala ang kanyang puso. Sobrang lakas ng kalabog nito na parang isang leon na nais makawala sa kulungan. Nagwawala at nakabibingi.

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon