TRES

108 10 4
                                    

“YOU’RE MINE NOW,” SHE DECLARED

***

“SAAN PO KAYO pupunta, kamahalan? Huwag po kayong lumayo sa campo dahil nasa tent na lahat ng mga guardian,” alalang saad ni Ember habang nakasunod sa prinsesa. “Baka po mapano kayo rito. Bumalik na po tayo ro’n.”

Mas binilisan pa ni Ember ang kanyang paglalakad para makahabol dito. Nang maabutan ay hinawakan niya ito sa braso. “Mahal na prinsesa.”

Nandilim ang paningin ng prinsesa sa kanyang kamay na nakahawak sa braso nito kaya agad binawi ni Ember ang kanyanng kamay.

“P-pasensya na po. Pero huwag po kayong basta na lamang maglakad mag-isa. Baka po mapano kayo.”

Tinaasan na naman siya nito ng kilay. “Hindi ba at ikaw ang tagabantay ko?”

“Ako nga po.”

“Kung gano’n ay tungkulin mo ang bantayan ako kaya bakit ako mag-aalala na malagay ako sa panganib kung nandiyan ka naman?”

Kagat ang kanyang mga labi na napaiwas ng tingin si Ember. “Mahal na prinsesa, masyado po yatang mataas ang tingin ninyo sa’kin.”

Humalukipkip ang prinsesa at marahang naglakad palapit sa kanya. She walks in so graceful a manner, her entire existence sprouting royalty and elegance.

“But aren’t you the strongest warrior in Guardianship?”

The intensity of her gaze made Ember look away. Unable to keep her eyes locked onto the princess’ yellow pupils.

“I’m just one of the strongest warriors, my good princess.”

Sumimangot ito. “Hindi ba at sinabi ko na sa’yo na tawagin mo na lamang akong 'kamahalan'?”

“Pasensya na po, kamahalan.”

“But General Matro would never pick someone who is weak and incapable. And besides, I could sense when someone is not strong enough. Being my personal bodyguard, you’ll protect me at all costs, won’t you?”

Ember made another hard swallow before nodding her head. “Of course, Your Highness. It is my duty to protect you at all costs.”

“Good. Then don’t ever leave my side. Wherever I go, you go.”

Mabilis itong nabalingan ni Ember ng tingin. Hindi niya maintindihan pero bigla na lamang tumalon sa tuwa ang kanyang puso. Napatango na lamang ng maraming beses si Ember, ang magkabilang gilid ng kanyang mga labi ay umangat pataas.

“Masusunod po, kamahalan.”

“I’m not yet in the mood to return to the palace. I want to go someplace else.”

“Delikado po kayong magliwaliw ngayon lalo na at laganap ang mga Arkion sa ibang panig ng Igniess.” Sa isapan ni Ember ay nagdadasal na siya na sana ay makinig naman ito sa kanya. But it seemed like the day is in the princess’ favour.

“I shall like to visit the town. Sumasakit na ang mga mata ko sa parehong tanawin na palagi ko na lamang nakikita sa bawat araw. I want to see a different perspective.”

Ember heaves out a tiring sigh. “Hindi na ba talaga kita makukumbinsing bumalik na sa palasyo?”

“Sa totoo lang,” saglit itong tumigil, “ayos lang pala na bumalik na tayo.”

“Talaga po? Mabuti kung gano’n, kamahalan.”

“Maaari naman siguro na mamayang hatinggabi na lamang ako lalabas para magpasyal sa bayan. Gabi naman kaya natitiyak kong wala ng ibang makakakilala sa’kin. Ano sa tingin mo, Ember Androna?”

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon