DIEZ

88 9 2
                                    

“I MISS HER.”

***

“NASAAN KAYO NANG magpakita na ang ating pinuno? Bakit wala tayong tao roon para tulungan siya!” malakas na sigaw ni Pinunong Firkos sa kanyang mga kasama. His fist slapped the wooden table and it echoes in the silent room.

“Patawad, Pinunong Firkos,” ani ng ikalawang pinuno. “Naging abala masyado ang aming atensyon sa paghahanap pa ng maraming salamangkero na maaaring pumanig sa atin.”

“Ilang daang taong naghintay ang mga ninuno natin, ang pinakaunang henerasyon ng mga Arkion. Sinakripisyo na nila ang kanilang mga buhay para lamang buhayin muli ang ating pinuno.” Isa-isang dinapuan ni Pinunong Firkos ng tingin ang kanyang mga kasama. “Ayaw ko na maulit pa ang pangyayaring ito. Kapag nagkataon ay mapupunta lamang sa wala ang lahat ng pinaghirapan natin!”

“Hindi na po mauulit, Pinunong Firkos,” tugon naman ng ikalimang pinuno habang nakayuko ang ulo.

“Sinakripisyo ng mga sinaunang Arkion ang buhay nila para gawing mas makapangyarihan ang pagbabalik ng Chimera,” tugon naman ng ikasiyam na pinuno. “Ayon sa mga balitang nasagap ko mula taongbayan ng Retton ay may kakaibang taglay raw ang halimaw nang kalabanin ito ng isang babaeng mandirigma.”

“Hmm, isang babaeng mandirigma?” Mas nahagip ang atensyon ni Pinunong Firkos sa naging kalaban ng Chimera kesa sa taglay nitong kakaiba. ‘At sino naman ang babaeng ito at ang lakas ng luob niya na kalabanin ang pinuno namin?’

“May ideya kayo kung sino ang babaeng ito?” tanong naman ni Pinunong Aldess, ang ikapitong pinuno.

Sinagot naman ito ni Pinunong Ladron, ang ikasiyam na pinuno, “Isang mortal na babae lamang siya pero nabibilang siya sa mga mandirigmang Fae Guardians. Tiyak na may kakaibang taglay rin ang babaeng iyon kaya lakas luob niya na kinalaban ang ating pinuno.”

“Binanggit mo na may kakaibang taglay ang ating pinuno?” singit ni Pinunong Firkos. Tumango naman si Pinunong Ladron. “Ano ito?”

Lord Ladron’s lips suddenly curled into a mischievous grin. “Our lord Chimera now possesses the ability to regenerate himself. The townspeople said he was invincible and undefeated. He played with that warrior like a person dusting off a rug.”

“Regeneration.” Lord Firkos thoughtfully nodded his head. “Indeed, that makes him invincible. Kahit na bumalik man si Errielle ay hindi na nito matatalo pa ang ating pinuno. He’ll be an undefeated king that will rule our world for eternity.”

“But let us also not forget that Errielle was one of a kind goddess,” Lord Seal, the sixth leader, interrupted, “she may have concealed from everyone a special object that can kill the Chimera; the only weapon.”

“The Chimera died in her hands countless times and his return was only because, us, Arkions, keep reincarnating him into different bodies until he can unleash hell,” followed by Lord Catter, the tenth leader.

“Ang kailangan nating isipin sa ngayon ay kung papaano natin mababawi mula sa prinsesa ang relic,” singit ni Pinunong Firkos, “nagbalik na nga ang ating pinuno. At hangga’t hindi pa rin nakikita ng mga fae ang kanilang reyna ay wala tayong magiging problema.”

“Pero, Pinunong Firkos,” biglang sabi ni Pinunong Hyde, ang ikaanim na pinuno, “sa tuwing dumadaan sa reincarnation ang Chimera ay iba’t-ibang katawan ng tao o nilalang ang napupuntahan nito. Kung totoo man ang sabi-sabi noon ng ilang fae na gano’n din ang nangyari sa reyna nila, hindi kaya malaki ang tiyansa na nagkita na sila ngunit hindi nila alam ang pagkatao ng bawat isa?”

Isang katahimikan ang bumalot sa buong silid. Nagkatinginan ang mga pinuno at napapaisip sa mga sinabi ng ikaanim na pinuno. Dahil kung tutuusin ay may punto nga ito. Mapaglaro minsan ang tadhana. Posibleng pinagtagpo na nito ang dalawang magkaaway na nilalang.

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon