CUATRO

101 10 6
                                    

THE ARKIONS

***

“NGAYON KA LANG ba nakapunta rito?” mahinang tanong ni Ember sa mahal na prinsesa. Napansin niya kasi na kanina pa ito palinga-linga na tila ba sinusuri ang buong tavern. Tumango naman ito sa kanya bilang sagot.

Tutungo na sana ang mahal na prinsesa sa isang malapit na lamesa nang pigilan ito ni Ember.

“Bakit?” takang tanong nito.

“Nais po ba ninyong sa itaas na lamang tayo para makakain ka ng maayos?”

Tinaasan na naman siya nito ng kilay. Pero isang pilyang ngiti ang naka-plaskar sa mga labi nito habang nakahalukipkip. “Yeah, I know about it. We can reserve a private room upstairs. Bakit naman naisipan mong doon na lamang tayo kumain sa isang pribadong silid? Nais mo ba akong makasama ng mag-isa?”

Nanlaki ang mga Ember sa mga sinabi nito. Agad siyang napaiwas ng tingin dulot ng hiya. Iniisip niya lang naman na baka may ibang makakakilala sa prinsesa kaya niya binigay ang suhestisyon na iyon. She mentally heaved a sigh. ‘Bakit naman gano’n ang pumasok sa isipan nito?’ hinuha niya pa.

“K-kamahalan, wala po akong ibang intensyon sa inyo,” mahinang saad niya rito, hindi pa rin siya makatingin sa mga mata nito.

Lumawak pa lalo ang mga ngiti ni Prinsesa Talvi. “Hmm, I don’t think so. But because I’m suddenly in a good mood today, I’ll grant your wish.”

“Wish? That was only a suggestion.”

“Whatever you say.” Nauna na nga ito maglakad papuntang hagdanan. “Bilisan mo. Nagugutom na ako.”

“M-masusunod po.”

Bitbit ni Ember ang kanilang pagkain na nakalagay sa isang silver platter. She found the princess sitting in the middle of the room, her legs were crossed and she looked so majestic in her seat as though she was sitting on a throne. Napalunok na lamang si Ember sa hindi malamang dahilan bago niya isarado ang pintuan.

“Lock the door,” commanded the princess. May pagtataka naman itong tiningnan ni Ember matapos niyang malapag ang tray sa lamesa.

“Bakit po? Wala namang ibang papasok sa silid na ’to.”

“Ayaw ko lang ang iniistorbo ako sa gitna ng pagkain ko.”

“Masusunod po.” Ember locked the door. Her heart begins to race again as it dawns on her that they’re sharing a meal in a secluded room. Why is she suddenly shaking? Why are her hands feeling cold? Pero bakit tila ba lumulundag sa tuwa ang puso niya?

“Tatayo ka lang ba riyan buong araw o uupo ka rito sa tabi ko at kakain?” Napukaw ang kanyang isipan dahil sa boses ng prinsesa.

Nang maupo si Ember ay nilagyan ng prinsesa ang kanyang pinggan ng iilang putahe na hindi niya pa natitikman noon. Binilinan din kasi siya nito kanina na ’yong mga mamahaling pagkain lamang ang kanyang kukunin.

“Masarap ba?” tanong nito. Tumango naman ang dalaga bilang tugon.

“Ngayon lamang ako nakakain ng ganitong mga pagkain.”

“Hm, nakalimutan ko. Mahirap ka nga lang pala kaya hindi kayo araw-araw naghahanda ng ganito.”

A frown crossed upon Ember’s face. “Pero hindi naman nagkulang ang mga magulang ko sa pagbigay ng mga kinakailangan ko. Ang importante hindi ako nagutom,” bulong niya sa sarili.

Ember took that moment to savour her possibly first and last expensive meal. Wala rin siya balak i-gastos ang mga naipon niya sa guardianship para lamang bumili ng mga mamahaling pagkain. Napabilis na pala ang kanyang pagkain kaya hindi niya malayan ang isang piraso ng dahon na nasamid sa gilid ng kanyang mga labi. Napatigil lamang siya sa pagkain nang maramdaman niya ang titig ng prinsesa.

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon