DOCE

73 8 19
                                    

A QUEEN’S DOWNFALL

***

“MAHAL NA PRINSESA, hinuhahon na po kayo!” pagmamakaawa ni Heneral Matro. Nasa luob sila ng library na kasalukuyang napuno ng mga sigaw ng prinsesa. Tunog ng mga nababasag na kagamitan at nasisirang gamit ay sumasabay sa bawat galit na binubuhos ni Prinsesa Talvi sa tuwing ihahagis niya ang kung anong bagay ang masambot ng kanyang mga kamay.

“Your Highness, please! Just calm down!”

Princess Talvi hurled a wooden chair towards him and fortunately, the general was able to dodge quickly. The chair hit another shelf, causing both objects to collapse and be broken, and books scattered on the floor.

Bigla itong nawala no’ng isang araw. Hinanap siya ni Heneral Matro sa buong palasyo. Dinamay niya pa ang mga katulong at mga kawal para hanapin ito.

Tanghali na nang makita nila ang prinsesa sa may royal garden. Hindi nila alam kung ano ang nangyari pero nandidilim ang paningin nito kaya walang may lakas ng luob na lumapit sa kanya.

Hindi ito kumain ng buong at ngayon lamang ito lumabas ulit ng silid. Akala ni Heneral Matro ay maayos na ang pakiramdam nito. Hindi niya rin kasi makausap ng matino dahil hindi naman nito sinasagot ang mga tanong niya.

Akala niya ay magbabasa ito o kukuha lamang ng libro para dalhin sa kanyang silid ngunit nagulat siya ng bigla na lamang itong sumigaw, kasunod ay nagwala na ito.

“Ano ang nangyayari rito?” isang malamig na boses sa kanyang likuran ang pumukaw sa kanyang atensyon.

“Mahal na hari!” gulat niyang bigkas.

Nilibot ng hari ang kanyang mga mata ngunit hindi man lang ito nabahiran ng kahit anong emosyon. Samantalang ang mahal na reyna sa kanyang likuran ay natutop na ang kanyang bibig dulot ng gulat.

“Talvi, anak. Ano ba ang nangyayari sa’yo at dito mo pa naisip manira ng kagamitan?” tugon ng mahal na reyna.

Napatulala na lamang si Heneral Matro sa kanyang narinig. Pero mabuti na lamang at tumigil na ang prinsesa sa pagwawala. Napasalampak na ito sa sahig habang habol ang kanyang hininga.

“Tingnan mo ang ginawa mo sa mga libro. At talagang wala kang tinirang kagamitan? Alam mo bang nasa kabilang parte pa ng Igniess matatagpuan ang mga materyales na ginamit para lamang sa mga bookshelf?” sunod-sunod na reklamo ng mahal na hari.

Napamasahe na lamang ang heneral sa kanyang sentido. Hindi niya aakalaing mas inaalala pa ng hari ang kanyang paligid kesa sa sarili nitong anak.

“Britton!” saway ng mahal na reyna. “Manahimik ka na lang kung wala kang magandang sasabihin. Nais mo bang magwala itong anak mo sa silid natin?”

The king cowardly lifted his hands in defeat. “I’m not going to clean a mess. I’ll keep my mouth shut.”

“Good.”

Matro’s been working for the royal family since the day he found out that they found the relic--- and that was four decades ago. He’s a fae and he’s immortal and the current king and queen know of this. Hindi na siguro siya magtataka sa mga nakikita niyang asal ng dalawa. Naputol ang kanyang pag-iisip nang tanungin siya ng hari.

“Ano ba ang nangyari? Naririnig namin mula sa throne room ang mga sigaw niya.”

“Hindi ko rin po alam.”

Ilang beses itong napatango. “Kamusta na pala ang kanyang tagabantay?”

“Medyo maayos na ang kanyang kalagayan ngayon.”

“Gaano kaayos? Maaari na ba siyang bumalik sa kanyang tungkulin?”

Natigilan saglit si Matro bago sumagot. “Sa tingin ko ay hindi pa iyan ayon sa kasalukuyan niyang kondisyon. Hindi pa rin kasi tuluyang naghihilom lahat ng sugat niya.”

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon