ONCE

72 8 24
                                    

THE FALL

***

DALAWANG LINGGO NA ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nakikita ni Ember si Prinsesa Talvi na bumisita sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili pero nanlulumo siyang isipin na hindi man lang tiningnan ng prinsesa kung maayos na ba ang kalagayan ng kanyang tagabantay.

Bakit ba siya nakakaramdam ng ganito? Bakit ba siya nalulungkot dahil hindi niya nakita ng dalawang linggo ang prinsesa? Oo, hinahangaan niya ito. Ngunit gaano na ba kalalim ang naging paghanga niya rito at ganito na lamang katindi ang kanyang nararamdaman?

Ipinilig niya na lamang ang kanyang ulo at hindi na inisip pa masyado ang kaisipang ito. Tiyak na magbibigay lamang ito ng panibagong sakit sa kanyang ulo. Pero paminsan-minsan ay tinatanong niya kina Reissa at Matro ang kalagayan ng prinsesa. At parehong sagot lamang ang palagi niyang natatanggap.

“Buong araw lamang na nakakulong sa kanyang silid ang mahal na prinsesa kaya hindi namin siya nakita.”

“Dinadalhan lamang siya ng pagkain ng mga katulong.”

Pero sa nakalipas na dalawang linggo ay walang palya naman ang pagbisita ni Klaud kay Ember. Araw-araw itong naroroon sa bahay niya para ipaghanda siya ng makakain sa umaga at tanghali. Aalis din ito pagkatapos at babalik lamang ito kapag lumubog na ang araw para ipaghanda siya ng makakain sa gabi.

Hindi naman baldado si Ember. Medyo maayos na ang lagay ng kanyang mga braso at nagagalaw niya na sila ngunit may kaunting kirot pa rin. Nevertheless, she can complete and perform normal chores like eating and preparing simple meals. But Klaud keeps insisting that she should just take a break and heal faster.

Nahihiya na lamang si Ember minsan dahil kadalasan ay gabing-gabi na umaalis si Klaud sa kanyang tahanan. Sobra-sobra na ang pagtulong ni Klaud sa kanya.

“Kailangan mo ba talagang gawin ito? Klaud, nakakagalaw naman na ako. Hindi mo na kailangan pang abalahin ang sarili mo para bantayan ako. Sobra-sobra na ang iyong pagtulong sa’kin,” saad ni Ember nang makita niya itong naghahanda na ng kanilang hapunan.

Patuloy lang sa paghiwa ang lalaki nang sagutin siya nito: “Sinabi ko na rin sa’yo no’ng una, na ayos lang sa’kin na ikaw ang aabala sa’kin kesa maabala ako ng ibang bagay. At alam mo ba, ito pa malamang ang pinakamatagal nating pagsasama?”

Ember scoffed. “And what’s that supposed to mean?”

“It means that you never really wasted a time with me more often.”

“What? It’s almost as if you’re saying that I don’t like spending time with you.”

Tumawa pa muna ito ng mahina bago sumagot, “Dahil palagi kang okupado at masyadong maraming laman ang oras mo para paglaanan ako. Naiintindihan ko naman. Hindi naman kita pinipilit na lumabas kasama ako.”

Para bang kumirot ang damdamin ni Ember nang marinig niya ang sagot nito. Napaiwas na lamang ng tingin ang reyna. If there is one thing she dislikes about his character; it is his straightforward honest answers and remarks. Madalang lang makipagbiruan si Klaud. Kaya ang madalas na nakikita ng karamihan sa kanyang guwapong mukha ay isang seryosong ekspresyon. Madalang lang din ito ngumit.

Ngunit, isa lamang si Ember sa mga taong nakasaksi sa mala-anghel na ngiti ng magandang lalaki.

“Ayos ka lang ba?” Pumukaw sa atensyon ni Ember ang mahinang boses nito.

“Ano ’yon?”

Klaud thinly stretches his lips for a smile. “You’ve already earned too many responsibilities when I arrived at the academy. I wanted to be your friend but you were so busy. Nahihiya rin akong lapitan ka dahil sobrang lakas mo. Naisip ko na baka kapag nakipagkamay ako sa’yo ay mababali mo ang aking mga buto sa daliri.” Pareho silang natawa. Klaud then continued, “Matagal ko na ring hiniling na mapalapit sa taong hinahangaan ko, katulad mo sa’yong paghanga sa prinsesa. Ngayon lamang din ako nagkaroon ng opurtunidad na makalapit sa’yo ng ganito at makasama ka ng matagal at maipaghanda ka ng pagkain.

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon