SÉIS

94 9 0
                                    

MEET AND GREET

***

“ARE YOU CERTAIN you’re feeling better?” the princess asked again after taking the empty glass of water from Ember.

Tipid na napangiti si Ember sa pag-aalalang pinapakita ni Talvi sa kanya. “Ayos lang po talaga ako. Salamat.”

She sighed and pulled a chair. “What really happened? Maayos pa naman ang araw natin kanina, ’di ba? May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan kaya nailabas mo sa libro ang inis mo?”

Mabilis na napailing si Ember. “Hindi naman sa gano’n.”

“Good. Kasi pagod na akong maghanap ulit ng panibagong tagabantay.” Bumalik na kaagad ang prinsesa sa upuan nito kanina na tila ba walang nangyari. Lihim na lamang na napabuntonghininga si Ember. Buong akala niya ay labis na nag-alala para sa kanya ang prinsesa kanina pero hindi pala iyon para sa kanya.

Nag-aalala pala itong maghanap ulit ng panibagong ipapalit sa kanya. She mentally sighed. ‘Well, I’m just a bodyguard. That’s all I’ll ever be to her.’

“Don’t touch that,” the princess eagerly ordered.

“Bakit po?” takang tanong ni Ember. Akmang sasambutin niya na kasi sana ang mga piraso ng mga pahina mula sa librong napunit niya.

“I’ll call someone to clean that up.” Hindi na siya nito hinintay na umapela dahil dumeritso na kaagad ito sa pintuan para magtawag ng katulong. Ember heaves another sigh.

Saktong sa pagdapo ng kanyang mga mata sa pintuan ay ang pagdating ng royal butler. May sinabi ito sa prinsesa kaya napasulyap si Talvi sa kanya. Pagkatapos nitong maibigay ang mensahe ay umalis din kaagad. Pagdating ng isang katulong ay saka lamang lumapit sa kanya ang prinsesa at bahagya siya nitong hinila sa may gilid habang nililinis ng katulong ang kalat niya.

“Ngayon ko lang naalala na bibisita pala ngayon ang mga kaibigan ko mula sa ibang kaharian,” panimula nito sa kanya, “hindi naman sila magtatagal at aalis din sila kapag malapit ng dumilim ang kalangitan.”

Ember gently nodded her head. “Ayos lang po. Tawagin lang po ninyo ako kung may kailangan kayo. Hindi naman po aalis sa tabi ninyo.”

Tumaas na naman ang isang kilay nito at kasabay nito ay sumilay na naman ang pilya nitong ngiti. “Sabihin mo lang sa’kin mong nais mong sumama.”

“Bakit, aalis po ba kayo sa palasyo?”

“May paboritong lugar ang mga kaibigan ko na palagi naming pinupuntahan sa tuwing bibisita sila rito. Sabihin mo lang kung nais mong sumama.”

“Uh---” pinutol na siya nito kaagad.

“Gusto mo rin naman pala. Why do you have to make me force you?”

Ember pressed her lips to keep them from further stretching ear to ear. Pero agad din naglaho ito nang muling magsalita ang prinsesa:

“I told you not to bite your lips like that or I’ll bite them for you.”

Pinandilatan ito ni Ember ng mga mata. “Kamahalan, baka marinig po kayo ng katulong.”

Tinawanan lamang siya nito habang naiiling sabay humalukipkip. Talvi suddenly made a sign to the maidservant to which the latter responded with a different sign message.

“She can’t hear?” Ember softly uttered to the princess.

Talvi satisfied her curiosity, “Her eardrums were damaged during a blast when dark fairies attacked their town when she we only a baby. It was a miracle that she survived that lethal blast.”

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon