Part Twelve - Processing the truth.

74 1 0
                                    

Inikot ni Mellisa ang paningin niya sa paligid. Everyone was looking at her. And then she looked at her back. Isang maling hakbang niya lamang ay siguradong mahuhulog siya sa pool.

Ibinalik niya ang kaniyang tingin kay Ian. He was just looking at her. Inilayo niya ang sarili niya sa lalaki sa pamamagitan ng dahan-dahang pagtulak dito palayo.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa lalaki.

Kumunot ang noo ng lalaki. "I was invited. Ninang ko si Mrs. Tomas," anito.

Nanlaki ang kaniyang mga mata. She was trying to process everything, but it all just came up to her.

"Saglit nga lang. Kasama ka ba talaga namin dito? Hindi naman kita nakita kanina ah," tanong niya rito.

"Oo. Sinama ako ni Mrs. Tomas, Ninang ko. Hindi mo ako napansin kanina dahil busy kayo ng kaibigan mo," sagot naman nito.

May kaunti pang inis na natitira kay Mellisa para sa lalaki kaya huminga muna siya nang malalim bago ulit ito kausapin. "Ano ba 'ng pangalan mo?"

"Leonard,"pakilala nito. Ngumiti ito at inilahad ang kamay sa kaniya na kaniya namang tinanggap.

Tinitigan ni Mellisa ang kanang kamay niya. She extended it to Ian. Tinitigan lang iyon ng lalaki.

"Hold my hand," aniya.

"Ha?" pagtataka ng lalaki.

"Hold my hand," pag-uulit niya.

Nagtataka man ang lalaki, ginawa pa rin nito ang gusto niya. Hinawakan ng lalaki ang kamay niya. Sa pagkakataong iyon, habang nakatitig siya sa mga kamay nilang magkasalikop, awtomatikong tumulo ang luha ni Mellisa sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Inilipat niya ang tingin niya kay Ian. "Who are you?"

Gumaan ang ekspresyon ng lalaki. "I've been trying to talk to you these past few weeks. I wanted to tell you about something very important. Nagsimula akong mag-isip ng mga posibleng bagay simula nang magtapat ka sa akin ng nararamdaman mo sa huling gabi natin sa Batangas." Tumigil saglit si Ian sa pagsasalita. "Totoong ako si Ian Cruz. That's my birth name. Ngunit maraming taon na ang nakakaraan, nagpakilala ako sa 'yo bilang si Leonard."

Natutop ni Mellisa ang kaniyang bibig. Sa mga oras na iyon ay tuluy-tuloy na ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Hindi niya iyon mapigilan. Pati ang pagyakap niya kay Ian, she didn't stop herself from doing so.

"Leonard..." sambit ni Mellisa. Lumingon naman sa kaniya ang lalaki. "I've been longing to call that name for years." She laughed. "So, ikaw nga talaga si Leonard, huh?"

Ngumiti ang lalaki ang bahagyang tumango. Tinitigan ni Mell ang mga paa niyang nakalublob sa tubig.

"Ang tagal kong naghanap sa 'yo. Kaya pala hindi kita nahanap kaagad dahil hindi naman pala Leonard ang totoo mong pangalan." Nilingon niya ang lalaki sa tabi niya. "Bakit hindi mo binigay sa akin ang totoong pangalan mo?"

Ian shrugged. "Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko noon para ibang pangalan ang sabihin ko sa 'yo. Ako rin naman ay nag-suffer dahil sa ginawa ko."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kahit kailan ay hindi ka nawala sa isip ko. Sinubukan ko ring hanapin ka. Nahirapan ako dahil first name lang ang alam ko sa 'yo. And I waited for this day to happen. I've been waiting for you all my life."

I'll Swim To your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon